𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 25

2.3K 195 91
                                        

A/N:
Marami pong nagtatanong through DM about Aya’s version ngayong na-edit ko. So guys— she’s still the same. Ang manang na e-engot, engot pa rin, and still loka-loka sa English words niya. Sadyang inayos ko lang po yung ibang English words niya, nilagyan ng tamang spelling/terms since yung iba nagets naman, at meron din na still nangangapa pa rin. So, that’s it! Hope you understand and enjoy reading. 

___

Aya’s pov.

Kabado ako nang makalabas na kami ng tuluyan doon. Akala ko mamimilipit pa ang dila ko at magkakamali ako sa English na binitawan ko— lucky, nagawa at nasabi ko ng tama, kung hindi tiyak, ako yung mapapahiya.

Napabaling ang tingin ko dito sa demonyong kinakaladkad ko. Wala man lang syang ginawa kanina. Bwesit talaga.

“So ano? Tatayo ka na lang dyan?” Punong-puno ng bahid ng inis ang boses ko nang sambitin ko iyon sa kanya, pagkarating namin sa kung saan naka-park ang kotse niya.

“Why?” He suddenly asked bago agad na namulsa sa harap ko.

I can’t even keep myself na kalmado, at hindi ipakita sa kanya yung inis na nararamdaman ko. Kasi sa totoo lang nyan— sabog na sabog na ako.

“Seriously, Eaze.”

“Want me to open it for you?” Wala sa wisyong tinutukoy niya ’yon sa pinto— nakanguso kasi siya roon.

I suddenly relaxed my facial expression toward him to make him fell confused— pero parang wala rin.

Anyway, I just want to point out na hindi ako tanga para maniwala pa sa kanya. Pero pumayag ako, hihihi. Malay niyo, pagbuksan ako, ’di ba?

“Do it yourself.”

Hearing his simple words made me feel disappointed, bago niya ako tuluyang nilagpasan at kusa nang sumakay sa loob ng sasakyan.

Ok, nag-assume ako.
Wala rin naman palang mapapala— bwesit lang kasi. Ginagawa ko yung role ko as girlfriend niya, tapos siya? Wala syang kwentang boyfriend. I mean, fake boyfriend, Demonyo.

Demonyo talaga.

Pagpasok ko sa loob ng kotse, bumungad agad sa akin ang nakakainis nyang pagmumukha.

“Ang galing mong makipaglandian kanina. Wala ka man lang ginawa!” Bulyaw ko sa kanya bago agad na inayos ang aking seatbelt.

Bahagya niya akong nilingon bago napakibit-balikat. Klaruhin ko lang ah— hindi dahil nagseselos ako, kasi hindi naman talaga.

Nag-iingat lang.

Paano kung may nakakita? Edi nakonsume ’yung magiging kita ko sa kontrata kong ito. Sa kanya.

“Why?”

“Anong ‘why why’—”

He suddenly cut my words and didn’t even let me finish. Tingnan mo nga naman, pinanganak na bastos ang bastos.

“Want me to deal with her also and start an argument?”

“Hindi naman sa pinapalabas ko o sinasabi kong makipag-away ka rin sa kanya—”

“You know what, idiot? You looked hot lately. Ayokong makisabay sa ginagawa n’yong away. That’s why I kept doing nothing. Don’t want to ruin your hot argument full of sensation.”

“Hot? Hot-hottin mo mukha mo!”

Sandali syang napabaling ng tingin sa akin bago pasimpleng tumawa at agad ding nag-focus sa pagda-drive.

“Worries no more— kung sakaling nagkagulo, sa’yo pa rin ako kakampi.”

Wala sa wisyong napabaling ako ng tingin sa kanya nang sambitin niya ang mga iyon.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon