Aya’s pov.
I never imagined this situation before.
“I’m begging you— please, pabayaan mo na kami.”
Seeing her like this? Makes me feel a little guilty.
Wala sa wisyo’ng napatuon ng husto sa kanya ang aking pukaw na tingin bago siya inalalayan upang makatayo.
Napabuntong-hininga ako nang magpantay kami.
“I did none para habulin niya ’ko, kaya pwede, ’wag kang lumuhod dyan para magmakaawa lang sa akin. Kasi kung tutuusin, mas nasaktan ako noon dahil sa’yo.”
“Aya…”
Sandali akong natigilan at para bang nakaramdam ng inis dahil sa pinapakita niya ngayon sakin.
“Don’t beg me na iwan or layuan siya.”
Pumukaw ang aking titig mula sa kanyang mga mata. Mas lalo pa akong nainis knowing na uma-akto siya sakin ngayon ng ganito, tapos naaapektuhan din ako sa hindi malamang dahilan— na para bang ako ’yung may kasalanan.
“Sa kanya ka magmakaawa na huwag na akong habulin pa. Sa kanya ka magmakaawa na tantanan at pabayaan niya na ang nanahimik kong mundo,” nanggigil kong saad sa kanya.
Gusto kong maging masama kahit ngayon lang, maging prangka sa lahat ng bagay na sasabihin ko sa kanya— ngunit tila hindi kaya ng aking sarili dahil maski ako, nasasaktan rin.
Nilamon ako ng sarili kong emosyon, ’yung luhang halos hindi ko inasahan ay ngayo’y unti-unti na ring namumuo sa aking mga mata. Kasunod ng paghikbi ko’t tuluyang pag-iyak sa kanyang harapan ang paglabas rin ng tila masasakit na salita na gusto kong isampal sa kanya.
“Sa kanya ka magmakaawa, hindi sa akin!”
Ang kanyang presensya ang nagpapaalala ngayon sakin, na minsan na akong nasaktan sa kadahilanang siya lamang ang dahilan.
Pinamukha niya sakin noon na siya ’yung pinili at hindi ako— siya ’yung patuloy na pipiliin, kasi isa lang naman akong kontrata, isang taong pangtrabaho lang para sa mata nila. Ang tulad ko’y hindi mahalaga.
Kaya nga noong umamin ako, parang bale-wala lang rin. Funny. Nahulog ako sa kontratang siya lang rin pala ang dahilan.
Ginawa akong panakip-butas, taga-linis ng kalat ng iba— without me knowing it. Akala ko, ’yung kontrata na ’yun ay para sa career niya. ’Yun pala, para sa career ng iba.
Sinaktan nila ’ko. Hindi pagmamakaawa lang ang kailangan ko, kundi ang salitang ‘patawad’ na mukhang hinding-hindi ko rin maririnig ng seryoso mula sa kanila.
She looked at me seriously with that pale look of hers— pero parang may bahid rin ng inis at pagkairita.
“What’s with you? Natuto nang mag-question ang dating uto-uto? I’m begging you para sumunod ka sakin, mukhang hindi ka na madaling paikutin at utuin lang tulad ng dati.”
Halos magpantig ’yung tainga ko doon sa sinabi niya.
After ng maktol thing, tila nakabawi ulit ang gaga’t nang-aasar na din.
Marahan kong pinunasan ang aking mukha at pisngi na tila may bahid pa ng luhang tumulo sa aking mga mata kanina— she doesn’t deserve my tears.
Ikinalma ko ang aking sarili, dahil sa biglang galit na naramdaman ko kanina. Hindi ko ugaling manakit ng ibang tao kaya hindi ko siya papatulan.
“Bakit, anong tingin mo sakin— turumpo? May dalawang hulma lamang ’yung uring nilalarawan mo sakin— ang mukha nitong bilog at katawan na mahaba (tried to describe the turumpo figure), Habang ako? Maraming pagkakahulma. Umpisahan natin sa aking kamay na parang gusto ka nang sampalin kanina pa.”
Wika ko, pero hindi ko naman ginawa.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
