Third person point of view.
‘Tulong!’
‘Tulungan mo ’ko.’
Wala sa wisyong biglang nagising si Eaze nang muli nyang marinig sa kanyang panaginip ang boses ng taong ’yon. He can’t stop dreaming about her and what happened back then.
Bumalik lang ata sa wisyo ang binata nang biglang magsalita ang kanyang kaibigan, na nagbigay-pukaw sa kanyang pansin.
“Eaze, akala ko ba idlip lang? Tulo na laway mo, kupal ka!” pang-aasar ni Kian kay Eaze.
“I’m just tired. Can’t I have my rest for today?”
“What’s with you? Napagod ka saan? Wala naman tayong ginawa. You canceled every activity that we should do for this day— our practice recording, interview for SM...”
Sandaling natigilan si Kian nang biglang sumabat si Eaze sa kanya.
“Wala akong problema sa pag-iisip para makalimutan lahat ng ginawa ko. Don’t bother to remind it again. Your job isn’t to be a reminder.”
“Exactly. May tanong ako— anong nangyayari sa ’yo these past few days? Madalas ka nang wala sa sarili mo. Sis Jaze doesn’t know what to do about you kasi halos hindi ka na niya maintindihan. Kaya paano pa ’ko, ’di ba?”
Sandaling natulala at napatitig na lamang si Eaze kay Kian, nang bigla syang lamunin ng sariling isipin niya sa mga bagay-bagay.
Eaze set his own plan— planong kailangan nyang sundin para sa ikabubuti ng bawat isa. But the thing is, tuluyan nang gumulo ang plano niya.
It started with Ferrie, pero natigil rin nang magdesisyon ang binata na maging low-key status lamang sila. And then, when Aya suddenly came up? At nawala na si Ferrie nang tuluyan, muling bumalik naman ’yung bagay na halos hindi niya inasahang babalik.
He’s talking about that anonymous person na nagsimula ng gulo, kaya nagkaroon ng planong halos hindi niya ginusto— ang taong ’yon, madalas syang padalhan ng itim na kahon ng regalo.
Regalo na halos hindi mo rin aasahan, dahil naglalaman ito ng kung ano-anong mga bagay lamang— pero ang madalas na laman nito? Ay ’yung mga patay na hayop na may kasamang larawan ng dalawang tao lamang: si Ferrie at si Aya.
Eaze tried his best na itago ito, lalo na kay Aya. When they were both together back then— walang palya. Lahat ng regalo na dapat si Aya ang tumanggap, siya ang natanggap.
Lahat ng mensahe na puro pananakot? Alam ni Eaze na hindi ito para kay Aya— dahil isa itong banta para sa kanya. Banta ng taong hindi niya matukoy kung sino.
‘Wala kang dapat piliin sa dalawa. Kung patuloy mong ipapakita sa ’kin yang desisyon mong hindi ko gusto— sana ’yung desisyon ko, na pagpapahirap sa kanila, ay magustuhan mo.’ - Word from that anonymous person.
Eaze can’t make a move for now. Kailangan nyang magplanong maigi at harapin na ’yung taong ’yon sa lalong madaling panahon.
But the thing is, wala pa rin syang clue till now. Ang manatili at pagsunod sa kanyang plano pa rin ang dapat nyang gawin.
“Eaze?”
Pagtawag-pansin sa kanya ni Kian, kaya naman tila muling bumalik sa ulirat si Eaze, bago sinagot at binigyang tugon ang katanungan ng kanyang kaibigan kanina.
“Wala akong problema.”
“You sure? Anyway, nakausap ko si Sis Jaze. She wants me to ask you about sa contract thing na na-discuss daw niya sa ’yo.”
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
