𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 70

1.4K 132 5
                                        

Aya’s pov.

Sandali akong natigilan at tila nag-aalanganin sa aking sarili nang bigyang-pukaw tingin ko ang buong paligid, bago napabuntong-hininga na lamang at napatungo rin.

It’s been half a month, I guess, simula nang makalabas ako ng hospital, at till now hindi pa rin ganoon kagaling ang mga sugat na aking natamo— ramdam ko pa rin yung mga gumuguhit na sakit mula sa linya ng tahi sa aking sugat.

Malinaw na rin sa akin ang lahat dahil sa ilang mga paliwanag na kanilang ibinigay, ngunit naroon pa rin ang pangamba sa aking sarili, takot na harapin sila.

Desidido pa ako na huwag muna silang patawarin, ngunit kailangan kong magpasalamat lalo na sa mga ginawa nilang tulong para sa akin.

“Good morning, Ma’am. How may I help you?” bungad agad sa akin ng frontliner nang tuluyan na akong makapasok sa loob at sinalubong siya.

I asked them kung nasaan syang kwarto, at itinuro naman nila agad sa akin ang daan patungo roon, kung saan sinalubong naman kami ng mga pulis na naka-bantay mismo sa labas ng pintuan ng kwarto niya.

“She’s a visitor—” wika nito sa mga bantay kaya gumilid sila upang makadaan kami ng ayos.
“—Ma’am, nasa loob po siya,” tugon naman nito sa akin nang tumingin sa akin ang babaeng frontliner na kanina’y sinamahan ako.

Napatango naman ako sa kanya bilang tugon bago hinarap ang pintuan, na tila nag-aalangan pa rin akong pasukin.

Napakagat-labi ako bago nagpakawala muli ng isang malalim na buntong-hininga, saka tuluyan nang pinihit ang doorknob na hawak ko kanina pa, at doon bumungad siya sa akin na tila tulala habang inaasikaso ng nurse niya.

Napatuon ng tingin sa akin yung nurse, kaya napangiti ako ng tipid. Ngumiti rin siya sa akin ng simple bago kami iniwan, kaming dalawa na lamang.

May harang na salamin sa pagitan naming dalawa, kaya naupo ako sa upuang nasa harap niya lamang. Napatikhim ako upang kunin ang pansin niya, ngunit tila wala lang rin iyon sa kanya dahil hindi niya ako binigyang-pansin.

“Zhenan...” pagtawag ko sa kanyang pangalan kaya bumaling na ang tingin niya sa akin.

“It’s been a while. How have you been?— Narito ako hindi para ipamukha sa'yo yung mga kasalanang nagawa mo sa akin, narito ako upang bisitahin at kamustahin ka rin bilang isang kaibigan mo noon,” wika ko bago tila alanganin na napayuko.

Hindi ko kayang tagalan yung seryoso nyang titig sa akin.

Gumawi ito ng tindig mula sa aking harapan bago umangat yung kamay niya't napahawak sa salamin na namamagitan sa amin, wari'y sinusuri niya ito sa hindi malaman na dahilan, bago muling tumuon ng tingin sa akin na tila may bungisngis na ngiting gumuhit mula sa kanyang labi.

“A friend— with dark side also? Bakit, Aya, nagbabalak ka na bang patayin ako? Kaya mo na bang manakit? Sasaktan mo na ako?” wala sa wisyong turan nito sa akin, wari'y nasisiraan na nga talaga ng bait.

“I'm not here para gawin yung mga ginawa mo noon. There’s still a side of me na tinuturing ka pa ring kaibigan— marami akong natutunan sa'yo kahit pa sabihin nating pagpapanggap lang yung sa'yo,” saad ko sa kanya bago tipid na napangiti.

Ramdam ko nang unti-unting gumigilid ang tila tubig sa aking mga mata— naiiyak na ako pero kailangan kong pigilan nang husto. She doesn't deserve my tears.

Umangat ang tingin ko sa kanya mula sa pagkakayuko ko kanina. “Pinapatawad na kita.” Gusto kong bigyan siya ng isipin kung paano ko nagawang patawarin siya sa lahat ng kasalanan niya— she will feel guilt for my forgiveness.

Umangat ang isang kilay niya sa akin na tila nagtataka sa aking sinabi. “I-I... I hate you till the end!” gigil na gigil nitong saad sa akin bago walang pakundangang pinaghahampas yung salamin na namamagitan sa amin, wari'y gigil syang saktan ako ngayon.

Naka-secure naman ito at hindi basta-bastang mababasag kaya kampante rin ako, ngunit napatayo na lamang ako at napalayo sa kanya ng ilang hakbang— natatakot ako sa kanyang baliw na itsura.

Nagwawala na siya sa harap ko kaya naman pumasok na ang mga nurse sa kanyang kwarto at agaran syang tinurukan ng pampakalma— pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagmumura sa akin.

Mula sa pagkakatutok ko kay Zhenan ay wala sa wisyong napabaling ako ng tingin sa aking likuran nang biglang bumukas ang pinto roon at iniluwal ang isa pang nurse.

“Sorry, Ma'am, pero kailangan niyo na pong umalis.”

Tumango ako sa kanya ng bahagya bago muling binalingan ng tingin si Zhenan na tila ngayo'y kalmado na at nawawalan na rin ng malay.

She didn't deserve this, pero ito yung buhay na pinili niya kaya wala na akong magagawa pa.

___

Hours had passed at muli na naman akong nagtungo sa hospital na pinaglabasan ko— gusto kong bisitahin rin si Ferrie since till now hindi pa rin siya magaling.

Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa kanyang silid, may dala akong prutas para sa kanya, ngunit bago ko pa man mapasuk ang kanyang kwarto ay bigla na lamang akong natigilan dahil sa presensya ni Zhe'kin, na pinigilan din ako.

“Aya...” alanganin nyang pagtawag sa akin kaya naman napabaling sa kanya ang aking tingin, at bumungad siya na tila may bandage pa sa kanyang noo, dulot ng sugat na natamo rin niya mula kay Zhenan.

“Uhm?”

“Can we talk?...” alanganin pa nitong saad sa akin na wari'y naiilang talaga siya— dulot siguro ng hiya.

Dapat kapalan niya ang mukha niya.

“I just want to say sorry. Marami akong kasalanang ginawa sa'yo, katulad ng pagkunsinte rin kay Zhenan, na una pa lang dapat pinigilan ko na. Alam kong malabong mapatawad mo ako—”

I suddenly cut his words when I spoke.

“Hindi ako masamang nilalang na hindi marunong magpatawad— kung deserve ng taong may magandang rason yung tawad ng taong ginawan niya ng kasalanan, bakit niya pagdadamutan, tama? To be honest, Zhe... I feel hesitant na patawarin ka, pero lubos ko namang nauunawaan kung bakit mo yun ginawa,” I said, then gently tapped his shoulder bago itinuloy ang aking salita.

“I want to thank you first sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Salamat dahil hindi ka sumuko, ngunit hindi ko deserve yung pagmamahal mo for more than a friend— you deserve someone else na kaya kang pahalagahan at mahalin ng buong puso. Zhe, napatawad na kita, kaya sana patawarin mo na rin ang sarili mo.”

He suddenly gave me that look, tila nagpapasalamat ng lubos sa akin. “Can I hug you for the last time?” tanong nito sa akin, kaya tumango ako bago siya sinalubong ng isang mahigpit na yakap.

“I'm so glad to meet an angel like you. Thanks for giving me a chance again. I should give up now and give chance for myself also na kilalanin din ang aking sarili at hanapin ang taong para sa akin. Anyway, brainless girl, I hope you will be happy in the end, no matter what or who you choose in life,” saad ni Zhe'kin bago marahang tinapik ang aking likod at tuluyan nang humiwalay sa yakap.

We shouldn't easily judge someone dahil lang sa mga bagay na ginawa nila na hindi natin nagustuhan— may rason din ang lahat. Ang kailangan lang natin gawin ay alamin yun at unawain.

“Thanks, Zhe...”

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon