𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 33

2K 208 37
                                        

Aya’s pov.

“Zeyan?” taka kong tanong, nang sa aking pagbukas ng gate ay may nakatalikod na batang babae na bumungad sa akin. Agaran itong humarap sa akin kaya mas lalo kong nakumpirma kung sino siya.

Bumungad agad sa akin ang tila kay lapad nyang ngiti bago agarang lumapit at yumakap sa akin.

“Moome!”

“Anong ginagawa mo dito?” taka kong tanong sa kanya nang bigla syang umagwat mula sa pagkakayakap niya sa akin.

“My mom left me here. She told me to stay and wait for you,” paliwanag niya sa akin na ikinatango ko naman, bago bahagyang napalingon sa paligid.

Iniwan niya agad ang anak niya dito sa labas ng bahay? Hindi man lang niya siniguradong nakapasok ito sa loob o kinita akong kunin ito nang maayos.

Anong klase syang ina? Pinabayaan agad ang anak niya nang hindi sinisigurado ang sitwasyon nito. Paano kung wala palang tao sa bahay na ’to? Like, wala kami?

Parang hinayaan na lang niya ang anak niya sa kapahamakan.

“Uhm, bakit naman daw?”

“She can’t spend her time playing with me, that’s why she brings me here,” she said, bago ngumuso sa akin na tila nalulungkot din dahil sa binitawang salita.

“Gano’n ba? Don’t worry, baby, I can play with you—  tara, pasok tayo,” wika ko sa kanya, bago agarang nilandas na sana ang daan papasok nang bigla niya akong pigilan at iniangat sa akin ang dalawa nyang kamay kaya naman napakunot-noo ako sa kanya.

“May problema ba, baby?”

“Karga mo ’ko, moome,” saad niya sa akin, kaya naman wala sa wisyo akong napangiti habang tinitingnan siya.

Agaran akong yumuko upang maabot siya nang maayos at kinarga ko na rin agad, pati na rin ang kanyang bag since baka mahirapan lang siya.

Isasara ko na sana ulit yung gate ng tila matigilan rin, it’s kinda weird why do I’ve this kind of feeling na parang may nakamasid sa akin?— crazy Aya, nabubuang ka nanaman.

Isasara ko na sana ulit ang gate nang tila matigilan rin ako. It’s kinda weird— why do I have this kind of feeling na parang may nakamasid sa akin?

Cray Aya, nabubuang ka na naman.

Isinara ko na agad agad nang maayos ang gate bago tinahak na ang daan papasok ng bahay, kung saan bumungad naman sa amin si Eaze, na tila nagtataka rin dahil sa biglaang presensya ng aking kasama.

“What is she doing here?” agaran nyang tanong na halos hindi ko na rin nagawang sagutin nang biglang bumaba si Zeyan mula sa pagkakakarga ko at agarang gumawi at tumakbo papalapit sa pwesto ni Eaze.

“Daade!” natutuwang pagtawag ng bata bago agad ding nagpakarga.

“What are you doing here?”

“My mom is busy, that’s why she left me here. You guys— I mean, moome and daade— will be my bantay,” she said na tila natutuwa pa.

Bumaling ng tingin si Eaze sa akin kaya naman napaayos ako ng tayo. Binigyan niya ako ng tingin na tila nagtatanong tungkol sa presensya ni Zeyan sa bahay niya.

Tanong na halos wala rin akong maisagot—bukod sa hindi ko alam kung paano siya nagawi rito, ay wala rin naman talaga akong kaide-ideya kung paano siya nakarating dito, lalo na’t hindi ko naman ata binigay sa mama niya ang address ng bahay ni Eaze.

“Ang ibig sabihin ng daade mo, baby, paano kayo nakapunta dito ng mommy mo? Saan n’yo nakuha ang address namin ng daade mo?” takang tanong ko kay Zeyan, na ultimo si Eaze ay curious na rin sa magiging sagot ng bata.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon