Aya’s pov. 
“Wag nyo kung habulin!”
“Wag nyo kung sundan— ahh!!” Ramdam ko na ang tila kirot sa aking binti, habang patuloy pa ring tumatakbo at humihiyaw ng wala sa wisyo.
Hindi ko alam kung saang direksyon ba ko dapat gumawi, nalilito na ko pero wala rin akung magawa kundi ang bumaybay ng daan kahit hindi ko alam kung saan ito patungo.
Lahat ng isipin halos tumakbo na rin sa aking isipan, bakit ba ko hinahabol ng mga taong ito? Hindi naman ako sumali sa fun run.
Napapabaling din ako ng bahagyang tingin sa aking hulihan, tinitingnan ko kung malapit na ba nila akung maabutan noong nakahanap ako ng tyempo walang pakundangan na agaran akung lumihis ng takbo tungo sa isang iskenita.
Nagtago sa likod ng mga kartoon, habang napayuko ng bahagya— ramdam ko ang pagod sa aking sarili, kaya naman napatukod ako ng mga kamay ko sa aking magkabilang tuhod upang alalayan ang aking sarili, bago ko pinunasan gamit ang isang kanang kamay ko ang ilang pawis sa aking mukha, it makes me confused— bakit ba nila ko hinahabol?
Did I do something wrong?
Napasilip ako ng bahagya sa bukana ng mismong iskenitang aking pinagtataguan, baka nasundan ako mahirap na.
Noong masuri ko na parang wala namang nakasunod bumaba ang tingin ko sa aking orasan. Time check; it’s already 8:30 am. Bwesit late na naman ako sa unang subject ng aking klase.
Isa akung 4th year irregular student.
“Are you in trouble?” I heard someone’s voice at my back. 
Akala ko noong una guni-guni ko lang, thinking na isa lamang itong boses ng ispirito, naniniwala kasi ako sa mga bulong ng ispirito kaya sinagot ko siya.
“H-Huh? Oo.” Kapos sa hangin kung saad sa kanya without looking at my back, pero don sa pangalawang tanong niya napaiktad na ko. 
“It seems like we're destined to meet each other, don't you think so?”
Hindi siya guni-guni.
May tao talagang kumakausap sa akin mula sa likuran ko lamang, noong gumawi ako ng harap tungo sa kanyang direksyon gayon nalang ang aking gulat ng may tao ngang bumungad sa akin.
“Tao ka?! I mean, Sino ka?!” Saad ko habang dinuduro siya’t napahakbang na rin nga palayo sa kanya, kung saan tumukod sa aking likod yung mga kahon sinyalis na napaisod ako ng husto. Hindi siya sumagot sa aking tanong nanatili lang siyang nakatitig sa akin bago umayon ng tayo paharap sa akin.
“Anong ginagawa mo dito?!” Muli kung bulyaw sa kanya.
Am I in danger?
I was thinking, na isa din siya sa mga humahabol sa akin, and it gave me that chill feeling of goosebumps when I remembered what Maya had told me last night.
Mukhang dito na ko sa iskenita mare-rape.
Sa halip na sagutin niya ang aking katanungan bigla akung nagulinta sa agaran niyang paglapit sa akin, tatakbo na sana ko pakanan ngunit hinila niya ko sa aking kamay bago kinorner sa gilid ng pader lamang, and then “Wha-hmp,” he was covering my mouth.
What’s with him?
Halos nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya pero useless din dahil ramdam ko yung kalakasan niya sa pagkapit lamang sa akin.
Mukhang sa iskenita kung saan naisip kung safe ako kanina ang lugar kung saan pa ko mapapahamak, hindi ako nagpatinag sa kanya kailangan kung gumawa ng paraan.
Napaangat ang aking isang kilay ng tila mapuna ko na hindi siya sa akin nakabaling ng tingin, diba sa ganitong sitwasyon dapat ang kanyang mga mata ay nakatoon lamang sa aking dibdib bago ako sisimulang harassin?
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
