𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 27

2K 191 69
                                        

Aya’s pov.

“Hindi ka maliligo?”

“Maliligo.”

“Eh, bakit nakatayo ka pa jan?”

Kakamot-kamot akong napailing kay Zhe— hindi niya nga pala alam na hindi ako marunong lumangoy. Kaya nga hindi na ako nag-abala pang magsuot ng swimsuit, eh, dahil useless din.

Ang kaso, lagi naman ’yon napupuna ni Ferrie, na ginawa nang libangan ang mamuna’t manglait.

“Kasi mamaya pa ako maliligo,” pagpapaliwanag ko sa kanya.

Ang engot niya din— tinatanong niya ako kung bakit ako nakatayo? Eh basic na nga lang ’yung sagot, tinanong pa. Nagmumukha tuloy syang tanga.

Syempre, nakatayo ako dahil walang upuan.

Tingin ba niya tatayo pa rin ako kung may mauupuan na? Yung totoo, required ba sa idol ang mahina ang utak? Kasi hindi na ako magtataka kung bakit nakapasok si Zhe’kin.

Tumango na lang siya bago nagpaalam saglit. Kasunod no’n ay tila sumalubong naman sa akin yung isa— to be honest, kahit hindi ko asahan ang presensya niya, laging dumadating talaga.

“Manang...” Bungad sa akin ni Ferrie.

Isa pa ’tong tanga— wala namang manang dito pero ‘manang’ ng ‘manang’ parang ewan.

Wala sa wisyong napalibot ako ng tingin sa paligid, hinahanap yung taong ‘manang’ na sinasabi niya, ngunit wala naman akong nakita. Kaya naman, kunot-noo ko syang binalingan ng tingin.

Hindi kaya may third eye siya? Sa ilong? Grabe, bigla akong nakaramdam ng kaunting kilabot dahil doon.

Bahagya kong tinapik ang kanyang balikat ng marahan bago alanganing ngumiti sa kanya.

“Kung may hika ka sa mata, baka gusto mong magpa-check up sa vet? Or sa albularyo? Don’t worry, kahit ano nagagamot nila. Katulad ng nabati, binati, na-matanda, na-bata, nangopya sa katabing mas bobo pa... Kung nandidilim naman ang iyong mga mata, meron din silang gamot d’yan. Kunting laway  lang, sabay kusot sa mata— tyak! Kahit ayaw mong makita, makikita mo talaga.”

Taimtim niya akong tinitigan na tila hindi sang-ayon sa mga salitang aking binitawan. Tinabig niya ang kamay ko, sabay cross-arms sa harapan ko.

“Hindi ko talaga alam kung gaano kababa ’yang level ng utak mo, at hindi ko rin alam kung bakit kinakausap ko ang katulad mong ewan lang kung may utak!”

“Abah, kung tutuusin mas malala ka na sa akin. Manang ka ng manang, eh wala namang gurang dito!”

“Idiot, I was talking to you,” she said, sabay irap sa akin.

Ako? Kinakausap niya? Ang layo naman ata ng ‘manang’ sa ‘Aya’ diba?

“Kung kailangan mo ng lima, wala ako no’n,” pagtukoy ko sa kanya.

Baka kasi katulad lang din siya ni Kian o Zhe’kin— isama na rin natin si Eaze kahit mukhang hindi nanghihingi.

“I don’t need that. I just want to know kung nasan si—”

I suddenly cut her words and didn’t even let her finish it. Bakit? Kask mukhang alam ko na ang hanap niya.

“Kian? Zhe’kin? O si Eaze?”

“Si—”

I cut her again. Trip ko kasing maging bida-bida sa mismong harap niya.

“Hindi ko alam! Ba’t ba ako yung tinatanong mo? Mukha ba akong guard para bantayan sila sa lahat ng oras? Katulong para bumuntot sa kanila segu-segundo? Hindi naman ako aso ah, para habulin sila. Ba’t hindi mo itanong doon sa map? Kung saan sila matatagpuan? Try mong kausapin— baka sumagot ’yon sa ’yo.”

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon