Aya’s pov.
“Ano bang trip mo?” naiinis kong bulyaw sa kanya, dahil after what he did lately— ito na naman siya sa pangungulit niya ngayon dahil pilit niya pa rin akong sinusundan.
Hindi niya ko tinatantanan.
Ibinaba nito ang kanyang sunglasses bago bahagya akong tinitigan mula ulo hanggang paa nang tumigil siya sa aking harapan.
“You’re still the same. Anyway, I want to spend my time with you— ex-contract girlfriend,” wika nito sa akin bago tila pinasadaan ng maamong titig mula sa kanyang mga mata ang mata ko.
Seriously? Sinasabi niya ngayon sa akin ito nang harap-harapan na para bang walang nangyaring alitan sa pagitan namin bago kami naghiwalay.
Hampasin ko kaya siya ng tabo para maalala niya ‘yung oras ng pag-amin ko sa kanya noon, tapos binalewala lang rin niya?
“Can you please stop following me around?” naiinis kong saad sa kanya.
Naiwika ko rin ‘yon ng mahusay ngayon sa English version since nag-aaral na ko ng basic nila.
“Naiinis ka ba?”
“Halata ba?”
Kung kanina parang gusto ko pa syang yakapin nang makita ko siya noong una, tapos ngayon? Parang gusto ko na lang syang sakalin.
“Unfair. Noong iniwan mo ’ko noon— may karapatan akong mainis pero hindi ko ginawa,” kalmado nitong wika sa akin na tila may bahid din ng lungkot mula sa kanyang mga mata. And then, sudden step out na tila nagbabadya ng pag-alis.
Now what? Bring back memories?
“Wala ka ba talagang magawa? Nandito ka para sirain ang araw ko, tama? Well, it works. Kaya pwede umalis ka na?!” singhal ko sa kanya nang bahagya ko syang pigilan ng panandalian lang.
Bumaling siya ng tingin sa kamay ko bago ito tinabig bigla.
“Bakit ba pilit mo ’kong pinagtatabuyan lagi?” seryoso nyang tanong sa akin na ikinatigil ko naman bago, wala sa wisyo, napabaling ng tingin kung saan.
’Yung mga salita niya, parang patalim ngayon sa akin.
I don’t even know kung bakit ako nasasaktan ngayon ng ganito sa simpleng tanong niya lamang. Bahagya akong napasinghap nang sumagi sa isip ko ang katanungan sa sarili kong damdamin para sa kanya.
Mahal ko pa rin kaya siya hanggang ngayon?
Nakakatawa namang isipin na halos nag-move on ako ng mahigit isang taon, tapos ngayong nasa harap ko siya muli, ‘yung move on kong ginawa? Parang nabalewala pa ata.
Napuna niya ata ang tila walang kibo kong anyo ngayon— ramdam niya siguro na halos hindi ko rin masagot ‘yung kanyang tanong.
Kaya nag-decide na lang rin siya na umalis na lang rin, ngunit natigilan rin nang bigla akong magsalita.
“Pinagtatabuyan? Kusa mo kong iniiwan.”
“Because that’s what you want...”
Napakagat ako sa aking ibabang labi nang tila makadamang muli ng sakit sa sinabi niya.
I badly wanted to run away from him pero sa hindi inaasahan na katangahan, natapilok pa ‘ko mismo sa di kalayuan lang sa kanya.
Magngangawa na sana ako para indahin ng labis ‘yung sakit na aking nararamdaman— bukod sa mga salitang binitawan niya kanina, tapos ngayon sa paa ko na rin. Ngunit natigilan rin nang biglang bumungad ‘yung presensya niya sa akin.
Bahagya syang pumantay sa akin bago tinitigan ako ng husto.
“You’re still the same idiot person I used to know.”
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
