𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 23

2.3K 247 61
                                        

Aya’s pov.

Nagising ako dahil sa sakit na nadarama.
I thought I’m still there, kaya tila nakaramdam ako ng takot at pangamba.

But suddenly, nagtaka rin ako nang mapalibot ang aking tingin sa buong paligid at bumungad sa akin ang puting silid.

“Are you ok?”

Napabaling ang aking tingin sa taong nagsalita sa gilid ko, at bumungad sa akin si Eaze na tila bagong gising.

“A-Asan... ako?” Halos pabulong kong sambit.

Wala pa akong lakas dahil sa panghihina na rin ng aking katawan sa labis na pambubugbog na natamo.

“Sa hospital,” he said before he stood up at inalalayan akong makaupo.

Napatitig ako sa kanya ng husto nang muli syang maupo.

“Want some fruits? Ipagbabalat kita,” wika nito sa akin.

Hindi ako umimik kaya naman nagkusa na ito.

I can’t help but think about what happened— Tapos ang dahilan ng lahat ng sakit na aking dinadama ngayon ay dahil sa taong nasa harap ko. 

Dapat ba akong mainis? O magalit sa kanya?

Ngunit dahil sa pinapakita niya...
Nilalamon na naman ako ng karupukan ko.

Halos hindi ko magawang magalit o mainis man lang sa kanya ngayon.

Mas nangingibabaw ang sakit— ngunit mas nangingibabaw din ang feeling ng saya at pasasalamat dahil nandito siya ngayon.

Kagat-labi akong napabaling ng tingin sa iba.
Hindi kaya tuluyan na akong nahulog sa kanya?

___

Days have passed, ang mga pasa’t sugat na aking natamo noon ay unti-unti na ring gumagaling.

Yung iba, halos hindi na masyadong halata. Kaya naman nakapag-decide ako noon na lisanin na ang hospital at sa bahay na lang magpagaling.

Eaze offered me a private doctor and nurse, pero tumanggi ako.

Bukod sa isiping gastos ’yon, iniisip ko rin na kaysa sa akin ilaan yung mga gano’ng bagay— na alam kong ako rin ang gagastos— mas mabuti pang ako na lang ang mag-intindi sa sarili ko at ipunin ang pera para makatulong pa sa operation ni Maya.

Bukod doon, ilang araw na rin akong binabagabag ng isip ko tungkol sa trahedyang ngyare sa akin— na halos si Eaze rin ang dahilan.

I’m just wondering kung bakit nila ito ginagawa.

At bakit ako ang nadadamay?

Lumabas rin sa publiko ang usapin tungkol sa trahedyang iyon. Since hindi ako makaharap sa camera, nanatili na lang akong tahimik sa mga usapin.

Si Eaze ang humarap at sumagot ng lahat ng katanungan.

Aside from that, Napahinto rin ang programang ginawa ng BCE— dahil hanggang ngayon, binabatikos pa rin sila dahil sa kaluwagan ng security kaya ngyare ang trahedyang ito.

Napabaling ako ng tingin kay Eaze.

I’m still wondering about a lot of things— His personality.

His attitude.

Para syang may dalawang mukha. Bumabait, tapos sa isang iglap, nagiging anak ng dyablo ang ugali.

Pabago-bago.

To be honest, nakakapagtaka ’yon.

Dapat ko pa bang alamin ang mga dahilan sa likod nito? Una pa lang, nakakapagtaka na kung bakit ako ang pinili nila sa dami ng tao noon sa park...

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon