Aya’s pov.
Para akong tanga na ilag na ilag ngayon dito sa mokong na ’to. After kasi ng katangahan kanina, eh wala na talaga akong mukhang maihaharap pa sa kanya.
So I decided na medyo lumayo muna sa kanya. Since I’ve no choice, aside from that? Meron namang good news and bad news.
Ang good news, nakahanap na kami ng tutuluyan. Bad news naman, dahil wala daw signal dito. Kung suwertehin, E+ pa.
Napasinghap na lang tuloy ako sa inis, bago napabaling ng tingin sa kumikinang na dagat. Nasa seaside ako ngayon, dahil dito ako dinala ng mga nagtatampo kong mga paa.
Napabaling ako ng tingin sa paligid upang maghanap ng magandang pwesto. Sakto, may punong nakatumba kaya doon na lang ako gumawi at naupo.
Napaayos ako ng upo bago bumaling ng tingin sa bilog na buwan. Full moon ngayon kaya makikita mo talaga ang ganda ng dagat— lalo na sa gabi.
I suddenly felt like someone’s missing. Napabaling ako sa aking side, bago sumilay ang tila kapaklang ngiti sa aking labi.
“Maya isn’t here.”
I hope she’s with me
I hope she’s here by my side
I hope she can see this
Hopefully, that hope can be a magic word, that when you say it— it will come true in the blink of an eye. But no, it’s vague.
This is my first time na hindi ko kasama ang ka-kambal ko sa ganitong moment ng buhay ko.
Kahit kailan, ’di ako masanay-sanay na wala siya sa tabi ko. Masyado na rin kaming maraming pinagdaanan na magkasama, kaya halos nangungulila pa rin talaga ako sa presensya niya— lalo na ngayon.
Halos lahat kasi ng magandang alaala? She’s with me. Sa pagtawa? Pag-iyak? She’s with me. That’s why I’ve never really felt that I’m lonely.
Because of her, natuto akung lumaban.
Because of her, nakakaya ko ang lahat.
Without her, I felt useless. I value and treasure her more than myself. She’s my strength and my weakness.
Maya’s my everything. What can I do without her? Lahat naman ng bagay na ginagawa ko ay para din sa kanya. Kaya kung mawawala siya, ano pang saysay ng pagsusumikap ko, ’di ba?
I can’t stand to lose someone I love— especially when it’s my twin sister.
“Does your brain still exist here on earth? Or has it been traveling outer space?”
Tila bumalik ako sa aking ulirat at namalayan ang sarili kong tulala kaninam I suddenly felt someone’s presence beside me kaya napabaling ako ng tingin dito.
I saw someone standing near me. I can’t see his face clearly, kasi nasa side siya ng medyo madilim. At gano’n na lang ang pagkabigla ko nang maaninag ko ang mukha nito.
I felt my heart start to beat faster— tila ba kabadong-kabado ako ngayon sa taong nakatayo di kalayuan sa akin. Mas lalo pa atang bumilis ’yung tibok ng puso ko nang tuluyan na itong makalapit.
Holy shit, kanina pa ba ’to dito?! Thinking that I’ve never even felt his presence lately... para akong magkakasakit sa puso, eh! Hindi na rin normal ’yung nararamdaman ko. Need ko na rin bang magpaconfine?
“Kanina ka pa dyan?”
“Confirmed. Your brain’s been traveling,” tila may pang-aasar sa tono ng pagkakasabi niya, bago gumawi sa aking pwesto at naupo na rin sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
