𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 66

1.2K 132 3
                                        

Aya’s pov.

Para kaming nabuhayan ng loob nang makalabas kami ni Ferrie sa loob ng playhouse na ‘yon— idinaan na lang rin namin sa tawa ‘yung mga takot na nadama namin kanina.

I thought we couldn’t make it out, dahil sumasabay pa ‘yung takot ko sa lugar na ito kaya halos hindi ko magawang umayon ng hustong akto sa pag-iisip ko— pero nagawa ko rin.

Naharap ko ‘yung sarili kong takot.

Napabaling ako ng agarang tingin sa gawi ni Ferrie nang tila mapansin ang walang kibo nyang presensya.

“Ferrie, okay ka lang?” takang tanong ko sa kanya habang sinusuri siya ng taimtim.

“M-May… may sugat ako,” natataranta nitong wika, ngunit ang tono ng kanyang pananalita ay binalot na rin ng takot at pangamba.

Napababa ang aking tingin kung saan siya nakatuon at tumambad sa akin ang binti niya— may hiwa ito’t dumudugo na rin.

Siguro nakuha niya ‘yan kanina noong lusubin namin ‘yung daan na pinapalibutan ng nagliliyab na apoy.

“I-It’s… it’s b-bleeding…”

“Kumalma ka, Ferrie, hindi ka mamamatay,” wika ko at agarang inagaw ang kanyang pansin.

Kailangan nyang kalmahin ang sarili kasi kung matataranta siya, baka mataranta na rin ako.

Inalalayan ko siya sa kanyang pagtindig para makalakad sana siya ng ayos— kaso mas nahirapan ako dahil hindi ko masyadong tantya ang bigat niya.

“Hindi mo ba talaga kayang maglakad?”

“Can’t you see? I’m injured.”

“Kita ko— sadyang hindi ko lang kaya ‘yung bigat mo. Tinatanong ko lang naman kung kaya mo para mabilis tayong makaalis dito. Humakbang ka rin, huwag puro pakaladkad sa’kin,” wika ko bago tila napapabaling na rin ng tingin sa paligid.

We’re not yet sure na nakaligtas na talaga kami— nakaalis nga naman kami sa panganib, pero ‘yung banta ng presensya ng taong gumawa noon? Hindi pa rin. For sure nasa paligid lang siya, tahimik na sinusubaybayan kami.

“I’m trying, but I can’t. It hurts badly.”

Napahinto ako bago gumawi sa isang liblib na bahagi nitong park. Inalalayan ko syang makaupo ro’n bago siya hinarap ng ayos.

“Stay here, tatawag ako ng tulong.”

“Iiwan mo ko? Sira ka ba, Aya?”

“Wala tayong choice, Ferrie. Nahihirapan na kong kaladkarin ka lang. If ever magpapatuloy tayo sa gan’ong gawi, tingin mo hindi tayo maaabutan ng taong may gawa nito?”

Sandali syang natigilan bago tumitig sa akin nang husto, puno ng pangamba.

“Aya naman, huwag mo kong iwan na basta dito.”

“Delikado kung magkasama tayo,” tugon ko sa kanya.

“Mas delikado kung hindi tayo magkasama.”

“Alam ko, ngunit wala tayong choice. Kung isasama kita sa’kin, hindi tayo makakahingi ng tulong agad— baka pareho pa tayong mapahamak at hindi magkaroon ng pag-asa ang isa sa atin,” seryoso kong saad sa kanya.

Punong-puno ng pakiusap ang kanyang mga mata habang tinititigan niya ako, pero wala rin syang nagawa sa huli kundi ang magtiwala na lang sa akin at pumayag.

“Promise me na babalik ka. Babalikan mo ko, right?”

Seryoso akong napatango sa kanya bago nangako.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon