Ferrie’s pov.
This silly fuck naive woman— nakakairita ang napakakulit nyang ugali. What was she thinking? Asking me to help her improve herself para lang makisabay at sumabay sa amin? Is kind of a funny and silly offer coming from her.
I suddenly snapped out of my thoughts, then turned my gaze toward Eaze. He was busy chatting with the boys, pero medyo napalingon ito sa ’kin. Agad akong ngumiti sa kanya— pero tumingin lang siya, then later ignored me.
“Hindi ka pinansin?”
Wala sa wisyo akong napalingon sa presenya mula sa tabi ko. At syempre, bumungad sakin ang engot— si Aya, na walang ginawa kundi sundan ako.
“You’re here, again?”
Nawala na siya kanina, tapos ngayon bigla nanamang babalik? Seriously, kailan ba mawawala sa landas ko ang engot na ’to?
“Napanood ko na ’yung movie mo— ang astig ng role mo don. Isang kinidnap na babae na walang ginawa kundi ang sumigaw, umiyak, at magmakaawa. Tapos wala rin palang mapapala.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, iniinsulto ba niya ako?
“Because it’s— whatever. Even if I explain it to you, hindi mo rin maiintindihan. Besides... pwede, humanap ka ng trip mo? Don’t you see? I’ve no plan to waste time on you.”
Nabuhayan naman ako bigla ng dugo nang bigla syang tumango sa akin at tuluyang umalis. Kaya agad akong nagtungo at naupo na lang sa isa sa mga upuan malapit sa pool.
Pagkaupo ko pa lang, agad kong sinalinan ng alak ang baso at ninamnam ang mabangong amoy nito.
While enjoying my peaceful moment, thoughts about Aya suddenly popped up.
I don’t even know where she came from. Para syang bulok na sistemang nabubuhay pa rin dito sa mundo. Marami nang nagbago. Our generation has evolved— tapos siya? Na-stuck sa dulo at halos hindi makasabay sa pagbago ng lahat.
She knows nothing about how society runs now. Kahit nga K-pop, P-pop, K-drama, T-drama, celebrities, and idols— wala syang alam tungkol don.
Mga sikat na kantang lumalabas ngayon, mga drama, teleserye, at iba pa— pawang hindi niya rin alam. Familiar siya sa ilan, pero yung mga old-fashioned na nalipasan na, doon talaga siya mas pamilyar.
She’s so weird.
Nagtataka talaga ako kung bakit siya ang pinili ni Eaze. Masyadong bobo si Aya— pero siguro nga kaya siya ang napili... kasi literal na bobo siya.
Mula sa pagmumuni-muni ko tungkol kay Aya, bigla akong natinag at napaayos ng upo nang may masilayan akong pamilyar na tao na nakatayo hindi kalayuan.
She was looking at me with that creepy smile of hers.
Fuck.
Bumalik nga siya.
Aya’s pov.
“Let me help you.” - Eaze.
“Tulungan na kita.” - Zhe’kin.
Napabaling ako ng seryosong tingin sa dalawa nang tila sabay pa silang nag-alok ng tulong sa akin.
They both looked at each other as well— tila parehong nagulat sa presensya ng isa’t isa— bago muling bumaling ng tingin sa akin.
“Ako na magdadala nito.” - Zhe’kin
“I can hold this for you.” - Eaze.
Sabay nilang alok, sabay ding lahad ng kamay nila sa mga dala ko— na agad ko rin namang inilayo sa kanila, habang napaatras ako.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
