Aya’s pov.
“Pinaraya ko, but still I haven’t yet get over,” saad sakin ni Ferrie.
Nasa bahay niya ako ngayon sa hindi malamang dahilan kung bakit—she just invited me.
Napabaling ako ng tingin sa kanya na tila nagtataka don sa sinabi niya, habang busy syang kalalagay ng pipino don sa mukha niya.
Hindi ko alam kung bakit niya yun ginagawa. Balak na ba nyang gawing salad yung mukha niya?
“Get over saan?” takang tanong ko sa kanya.
Kaya naman napatigil siya sa paglalagay ng mga pipino sa mukha niya at napa-ayos ng upo— nalaglag tuloy yung ibang pipino sa mukha niya.
Dapat nilagyan niya ng mighty bond para kapit na kapit.
“Naive, I don’t want to offend you but I’m being honest here. Kanino pa ba? Kay Eaze,” wika nito bago agarang pinagdadampot yung nalaglag na pipino sa mukha niya at binalik sa mangkok.
Don’t tell me, isasama niya yun sa kakainin namin mamaya?
Anyway, about what she said, I don’t take it as a threat. Normal lang na mahirapan syang mag-move on kay Eaze, since minahal niya rin ng sobra yung isa kaya hindi ko siya masisisi.
Napaayos ako ng upo after kong tumango sa kanya, bago inabot na rin yung nachos chips para naman meron din akong makotkot ng akin habang nakikipag-usap sa kanya.
Mahirap kayang maki-chismis ng walang salpak-salpak na nginunguya sa bunganga— busog yung utak sa balita pero yung tiyan kumakalam.
“Then what’s up with the both of you?”
“Nanliligaw parin siya,” tugon ko naman bago agarang binuksan yung nachos.
Muli syang bumaling sakin ng tingin at sinalubong ko naman yun ng bahagya. Bumungad sakin yung nakakunot na noo niya.
“Nanliligaw?...”
“Uhm.”
“For how long?” she asked me again, being curious herself.
“2? Or 3 months na din ata.”
Mas lalong nilamon ng kuryusidad si Ferrie, kasi kung makatingin to sakin ngayon para bang may gusto syang malaman na iba pa sakin.
“You know what? I’ve this side of thoughts, na para kang isang Maria Clara sa panahon ngayon— tanga nga lang. Anyway, curiosity is killing me. Tell me, may balak ka bang sagutin siya?”
“May balak.”
“Eh bakit pinapatagal mo pa?” Ferrie asked me again.
Why do I feel na para akong sumabak sa Q and A na wala man lang kaalam-alam?
“Kasi don mo masusukat kung seryoso ba sayo yung tao o pinagtritripan ka lang ba—” saad ko sa kanya, bago inilapag yung chips sa mesa upang hindi lang ako yung makakuha, pati na rin siya. “—I want to know him better as well,” muli kong tugon bago agarang kumuha ng chips ngunit hindi rin natuloy nang biglang tapikin ni Ferrie yung kamay ko.
Mula sa pagkakabaling ko sa kanya, bumaba yung tingin ko sa kamay kong hinampas niya ng marahan. Ano to? May cheese trap? Or chips trap?
“Alam mong pwede nyong kilalanin yung isa’t-isa kapag kayo na, diba?”
May point naman siya don pero ayoko magmadali. Baka madala na naman ako sa huli.
Katulad ng sitwasyon ko kay Zhenan noon— pinagkatiwalaan ko agad siya at nagpadalos-dalos ako kaya nauwi rin sa pagsisisi yung ginawa kong pabigla-bigla.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
