𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 61

1.3K 129 3
                                        

Ferrie’s pov.

This is the reason why Eaze and I never been together— dahil paulit-ulit akong tinatakot ng taong nasa likod ng pagpapadala ng mga bagay na ito.

First warning, step back’ - from an anonymous person.

Pinagbabantaan niya ako sa tuwing lalapit ako kay Eaze, na dapat lumayo ako, kundi sisirain niya ang buhay ko sa pamamagitan ng pagkalat ng mga larawan kong iyon.

It’s been years nang magsimula ang lahat— nagkaroon ako ng scandal issue because of what happened back then. That anonymous person forced me to do something na hindi ko naman halos ginustong gawin.

Noon, isa lang akong simpleng babae na puno ng ambisyon sa buhay— nangarap akong umangat, pero hinila rin pababa.

Someone asked me before, kung gusto ko raw bang maging isang modelo. Isang malaking opportunity ’yun para sa’kin kaya hindi ko na tinanggihan pa dahil sa isipin na baka maging proud din si Mama sa’kin— pangarap ko ’yun, matutupad na rin.

Ayokong umasa kay Eaze habang-buhay. I want to make him proud of me as well. Gusto kong magpursige ng may sariling sikap sa buhay.

Akala ko magmo-modelo lamang ako ng mga produkto, but they forced me to do something na halos hindi ko inasahan— ang maghubad. Hindi ako pumayag at first, pero tinakot nila ako dahil naka-pirma na daw ako sa kontrata, kaya wala na daw dapat pang atrasan talaga.

Bukod doon, ang bawat salitang kanilang binitiwan ay nakakadala rin talaga— “Kung gusto mong sumikat, kumita ng malaki, dapat matuto kang magtiwala sa iyong sariling grupo.

After the photoshoot, I asked them kung bakit gano’n. Natural lang daw ’yun lalo na’t Naked Flower Perfume ang mino-modelo kong product. Katulad daw ng pangalan ng pabangong ’yun, kailangan ko rin daw maging hubad.

Since nakikita ko rin sa TV ang ilang mga patalastas na katulad ng sa akin, hindi na rin ako naghinala pa.

Inaasahan kong maire-release agad nila ang lahat ng ’yon the next day, pero nalaman ko na lang na wala daw ganong product, wala daw ganong kumpanya, wala daw photoshoot na naganap kasi wala naman daw bagong-developed na perfume na ilalabas.

Naloko ako.

Hindi ako sikat na tao— halos wala pa ring kilala pagdating sa industriya— kaya hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ako ’yung ginagago nila.

Hanggang sa nagsimula na nga akong makatanggap ng tila kahon ng regalo na kulay itim— naglalaman ng mga larawan kong hubad.

Noong una, hindi ko halos maunawaan kung ano ba ang kanilang dahilan, hanggang sa malaman ko na lang na pilit akong tinatakot ng taong nasa likod ng pagpapadala nito tuwing nananatili ako sa tabi ni Eaze.

Pinili kong manahimik tungkol sa bagay na iyon at isawalang-bahala muna, hanggang sa maging isa na akong kilalang tao na hinahangaan na rin ng iba. Nasa tugatog na ako ng pagiging sikat, at ’yung kinatatakutan kong mangyari— nangyari na nga.

Kung kailan umangat na ako, saka naman ako hinila paibaba. ’Yung lihim kong ’yon na pilit itinago kay Eaze? Natuklasan din niya, dahil lumabas ang isa sa mga hubad kong larawan.

Nakatakip man ang mukha nito, ngunit ang pagkakakilanlan ng katawan ay tumugma sa akin kaya nagsimula na akong kuwestyunin ng mga tao.

Halos lamunin ako ng takot at pagkadismaya sa sarili ko, pero tinulungan ako ni Eaze— by using Aya. Natabunan ang usapin tungkol sa akin dahil mas napukaw ng atensyon ng mga tao ang kanya.

Aside from that, ’yung banta sa akin ng taong walang pagkakakilanlan? Hindi ko na isinawalang-bahala lang. Pinili ko munang lumayo— kung saan natigil rin naman lahat ng pananakot sa akin dahil sa desisyon kong ’yon.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon