𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 8

3.2K 354 154
                                        

Aya’s pov.

“Fuck! What’s your problem?!” he said, clearly confused.

Eaze was glaring at me. Gusto yatang manakit? Kung makatitig naman ito, kala mo lalamunin ako ng buo. Kung tusukin ko kaya ’yang magkabilang mata niya, makatitig pa kaya siya sa akin ng ganito?

“Wag mo akong sinisigawan! Hindi ako bingi!” pabalik kong sigaw sa kanya. Parang nairita siya sa sagot ko, kaya naman he suddenly stood up at bigla akong dinuro-duro.

“You!”

Tinabig ko ang kamay niya bago napairap ng bahagya at nag-cross-arm sa harap niya.

“You-yo? As in yoyo?”

I am trying to tease him. Bwenibwesit ko siya dahil masarap sa pakiramdam makita ang yukot nyang mukha.

Anong ginawa ko at bakit niya ako sinisigawan? Natapunan ko siya ng juice. Sinadya ko talagang tapunan siya ng juice.

Ganti ko ’yon sa kanya. Para sa kahapon.

Dahil ang bwesit na lalaking demonyo na nakatayo ngayon sa harapan ko— literal na umuusok ang ilong sa pagkainis— ay bwesit din! Kapag hindi ko daw tinapos yung 3 laps, babawasan daw niya ang sweldo ko.

Halos maputol lahat ng ugat ko sa hita sa katatakbo kahapon dahil sa sinabi niya. Akala ko noong una joke lang, pero seryoso nyang sinabi sa akin ang katagang:

Believe me, kapag hindi mo ’yan natapos, ewan ko na lang kung buo mo pa ring matanggap ang sweldo mo bukas.

Like seriously?! He's unfair.

Ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko. Pinaghihirapan ko ng husto— naghihirap na nga ako ng husto, tapos ang gago, pahihirapan pa ako ng doble? Sa totoo lang, kung hindi lang malaki ang kailangan ko, baka nasubsob ko na siya sa tae ng kalabaw.

“Don’t make fun of me, Idiot,” he said, sabay turo sa akin gamit ang hawak nyang tinidor.

Abah?! Loko ’to.

Napadukwang ako sa mesang nasa harapan namin at kinuha ang isa pang tinidor— dito na nagsimula ang aming duwelo.

Bilang mga knights sa kanya-kanyang sandatang tinidor—

“On guard! Yah!” saad ko bago nakipag-espadahan sa kanya.

“Seriously?” sarkastiko nyang saad habang sinasalag ang bawat atake ko. Nasa kalagitnaan kami ng aming ‘Pride Battle’ noong biglang matinag kami sa yabag ng mga paang papalapit.

We both suddenly stopped when we noticed someone’s presence.

“Good morning, guys?” alanganing bungad ni Kian na nakatayo sa unang baitang ng hagdan paibaba.

Nasa likod naman niya si Zhe’kin— pareho silang mukhang bagong gising at litong-lito habang nakatingin sa amin.

“What are you doing?” muling tanong ni Kian habang tila sinusuri ang sitwasyon namin ni Eaze.

Alanganin akong tumawa bago binalingan ng tingin si Eaze, kung saan bumungad sa akin ang parehong kamay namin na may hawak na tinidor— naka-postura pa ng pa-X sa harap namin.

“Playing her childish game”

“Childish game? Siraulo ka ba? Sinabi ko na sa’yo, hayaan mo akong subuan ka. Bakit ba pilit ka pa ring tumatanggi?” bigla kong saad sabay hablot sa hawak nyang tinidor.

Gumawi ako sa mesa, kinuha ang platong may pancake, kumuha ng pingas at iginawi sa harap ng bibig niya.

“Say ahh...”

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon