Aya’s pov.
It’s been weeks; ayun, close na kami nila Kian at Zhe’kin— unlike sa demonyong ito na tila wala pa ring pake sa akin.
“Wear this,” he said, then inabot sa akin yung kahon ng damit.
“Anong gagawin ko dito?” takang tanong ko naman sa kanya.
“Aiss! How idiot you are? Didn’t hear me?” he asks sarcasticlly.
Hindi naman ako bungol, diba? Rinig na rinig ko naman yung sinabi niya.
“Narinig ko naman. I mean, bakit?”
“You’ll come with me,” he said.
“Kailan?” puno ng kuryusidad kong tanong sa kanya. Wala talaga akong ideya sa lahat ng ngyayare.
“This night,” simple nyang pagkakasabi. Bumaba naman yung tingin ko don sa hawak kong kahon ng bahagya.
“This night? Bakit? Anong meron?” muli kong pag-usisa sa kanya habang sinisiyasat ang kabuuang desinyo ng kahon— maske ang pangalan na nakaukit sa kahon, kulay ginto. Totoo kaya ito?
“Eaze itong pangalan na nakasulat dito. Totoong ginto ba ito? Kung hindi mo mamasamain, baka pwede kung ibenta ’tong kahon—” seryoso kong saad habang dala ang kakapalan ng mukha ko.
Ang kaso, sa pag-angat ko ng aking tingin tungo sa direksyong kinatatayuan niya, sinalubong ako ng hangin at pintuang nakasara.
Ang loko, umalis na pala.
Bastos nyang kausap!
May itatanong pa ko eh. Iniwan na agad ako? Pasalamat siya at siya ang dahilan upang kumita ako ng malaking pera. Kung hindi dahil don, baka nabaon ko na siya ng buhay sa lupa.
Nilapag ko naman yung kahon sa kama ko at agad na binuksan upang makita ang laman.
Napatingin ako sa black gown na nasa loob ng kahon. Dali-dali ko itong kinuha at nilagay sa kama upang pagmasdan ng maigi.
Grabe, ang mahal seguro nito? Ang halaga seguro nito ay di ko kayang kitain sa loob ng isang araw lang. Bakit? Dahil yung disenyo ng damit, mukhang hindi basta-bastang damit lamang.
Kinuha ko yung gown bago pinagmasdan ito. Ngayon lang ako nakahawak ng ganito kaganda’t kamahal na gown sa talang buhay ko. Wait— hindi kaya may charge din ’to sa akin? Bawas sweldo? Ganon? Peste! Hindi ko man lang naitanong.
Bahala na nga!
Napayakap ako sa gown bago sininghot-singhot ang amoy nito, ang bango! Mahal nga seguro ito. Amoy pa lang expensive na.
Tanda ko pa ang araw ng unang pagsuot ko ng gown noong nag-JS Prom kami. Nag-ukay lang ako ng damit noon sa ukay-ukay. Mura lang kasi don, maganda, at makakarami ka pa— lalo na kapag nauto mo yung tindera, tiba-tiba ka na talaga.
“Believe me, walang mangyayari kung yayakapin at aamuyin mo lang ’yan.”
Napaiktad ako sa isang iglap noong makarinig ako ng boses— may taong nagsasalita sa likod ko. Lumingon ako ito at bumungad sa akin si Zhe’kin, na kampanteng nakasandal sa gilid ng pinto ko.
He was looking straight at me while wandering around.
“Don’t worry, I’ll pretend as if wala kung nakita. I tried to avoid laughing at this situation, so you won’t feel ashamed about it,” he said.
That made me feel at ease, and I suddenly forgot what the real situation was.
“That doesn’t matter. Pero— siraulo ka! Papatayin mo ba ’ko?!” singhal ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
