𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 53

1.6K 174 18
                                        

Aya’s pov.

Meron ngang mali sa kanya kanina— the way he approached and followed me all the way here— parang hindi nga talaga nagkataon lang. And guess what...

“Di nga, actor talaga siya?” wala sa wisyo at halos hindi makapaniwala kong tanong kay Director Chang.

Knowing na yung pagkikita namin kanina? Inasahan niya talaga dahil siya lang naman yung actor na inimbitahan ni Director Chang upang gumanap at magbigay-buhay sa storyang ipapalabas nila.

“Hindi ba kapani-paniwala?” he asked, na tila patay-malisya pa sa kanyang sinabi, ngunit hindi ko siya tinuunan ng pansin.

“He’s an actor, Ms. Fenchen,” pagkumpirma nito kay Tris, na hanggang ngayon ay halos hindi ko pa rin mapaniwalaan.

“We offered this story script of yours kay Mr. Vegou, and since interesado syang malaman ang iba pang details about it, pumunta siya dito to check it personally.”

Napabaling ako ng tingin kay Tris at bumungad naman sa akin ang tila galak nyang ngiti.

“You know what, interesting yung story mo, pero mas nag-interest ako sa misteryosong nagsulat— A.Echen (pen name ni Aya),”

Ipinakita bigla ni Tris ang librong kinuha niya sa lamesa lamang ni Director Chang bago nilingon ako’t binigyan ng pilyong ngiti— I don’t know why, pero naiinis ako sa presensya niya.

“Siya na po ba yung final na gaganap?” puno ng kuryosidad kong pagkakatanong kay Director Chang, na tila nagbigay-pagtataka naman sa kanilang dalawa.

“What do you mean about that, Ms. Fenchen?”

“My apology if ever na-offend kayo sa aking katanungan. But since first time ko lang po ito, gusto ko lang pong malaman yung takbo ng mga bagay-bagay.”

“Ms. Fenchen, since natanong mo na rin, to be honest, inalok namin ang script mo sa iba pang male leads, but sad to say, iilan lang ang available na male leads ngayon. Tris is willing to cooperate and do this project, kaya tinawagan ko na rin siya to have a proper talk and deal with us.”

Muli akong napabaling ng tingin kay Tris na tila puno ng pagmamalaki sa kanyang sarili dahil sa sinabi ng direktor.

Tuwang-tuwa?

Let’s end that proud and cheerful look of him.

“Since wala pong available, mag-e-end po talaga tayo sa kanya, right? Muntik ko na sanang itanong kanina kung wala na talagang iba bukod sa kanya, at kung seryoso po ba kayo. But since wala na talagang choice, syempre mag-e-end talaga tayo sa last choice,” wika ko bago bahagyang pinasadahan ng maangas na tingin si Tris, na tila ba natanggalan ng ngiti sa kanyang labi.

To be honest, I don’t wanna be rude— lalo na’t baguhan lamang ako, tapos siya, isa nang batikan.

Ewan ko ba. He approached me nice and friendly lately, pero naiinis ako sa kanya sa hindi malamang dahilan— Sa pakiramdam na rin, para bang pilit yung mga pakikitungo niya sa akin.

Praning na ba ’ko?

“It sounds like... parang ayaw mo talaga sa’kin,” wika nito sa akin kaya naman marahan akong natawa sa kanya.

“Gagi, hindi. Since Director Chang already decided about it, hindi na ’ko mag-a-against pa.”

“Nice. But sad to say, if you already changed your decision about it, I changed mine as well,” wika nito bago bahagyang pinasadahan ng tingin si Director Chang, na nakatingin na rin sa kanya.

“Mr. Vegou?” Director Chang, being confused herself.

“Ms. Chang, you know what I’m talking about,” wika nito kay Direk, bago bumaling ng tingin sa akin.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon