𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 43

1.6K 180 17
                                        

Aya’s pov.

Napahawak ako sa aking ulo nang tila biglang nadama ang sandaling kirot nito. Napakasakit— dala siguro ito ng labis na pag-inom ko kagabi.

Napabaling ako ng tingin sa buong paligid at tila wala sa wisyo, nangangapa pa ng alaala kung paano ako naka-uwi kagabi at kung ano nga ba ang mga katangahang ginawa ko.

Pagkalabas ko ng aking kwarto, agad namang bumungad sa akin si Maya na tila kakatok pa lang sa aking pintuan upang gisingin ako.

“Good morn—”

Sandali akong natigilan dahil bigla nyang tinakpan ang aking bibig, kaya naman napakunot-noo ako sa ginawa niya.

“Mag-toothbrush ka muna, amoy alak ka pa,” wika niya bago agarang umalis. Wala sa wisyo, inamoy ko naman ang aking hininga at napangiwi na lamang.

Tama nga siya, kailangan ko nang mag-toothbrush.

Pagkatapos noon, agaran na akong bumaba kung saan bumungad naman sa akin si Papa na tila busy sa kanyang binabasang diyaryo, habang si Maya naman ay nag-aasikaso na ng mga pagkaing inihain din niya.

“Gising ka na pala, anak,” wika sa akin ni Papa nang mapansin nyang nakatayo ako hindi kalayuan sa kanya. Napatango lamang ako sa kanya bago ko sila binati.

“Good morning!” wika ko sa kanila, bago agarang tumabi sa gilid ni Papa, kung saan may bakanteng upuan pa.

“Kamusta ulo? Ang sakit, ‘no?” panunukso sa akin ni Maya, kaya naman napabusangot ako sa kanya— knowing na may tama talaga siya.

“Normal lang ‘yan kasi abnormal ka. Bangingi kang umuwi kahapon— lasing na lasing. Bakit? Anong meron? Hindi ka naman umiinom, ah!”

Hindi ko alam kung dapat ko bang indahin ang sakit ng ulo ko o magmuryot dahil sa sermon agad ni Maya ngayong umaga.

“Kailan ka pa natutong uminom, ha? Bata ka!” tanong sa akin ni Papa. Napabaling ako sa kanya at alanganing tumawa.

“Sorry, Pa. Napilitan lang talaga ako since may kasiyahang ganap din po kahapon,” pagpapaliwanag ko sa kanya.

Kinakabahan ako sa mga titig ni Papa na wari mo’y inoobserbahan ako para sermunan din.

“Sa susunod na iinom ka—”

Natigilan ako bigla dahil sa biglaang pagseryoso ni Papa.

Pagagalitan din ata ako.

“—isama mo naman ako. Kung libre ‘yan, mas ayos,” wika nito sabay thumbs-up.

Mula sa tila seryoso at kaba na nadama ko kanina, tila wala sa wisyo, alanganing natawa na lang ako.

Seryoso?

“Kayong dalawa!”

Sabay kaming napabaling ng tingin ni Papa kay Maya nang bigla itong magtaas ng boses.

“Mag-ama nga talaga kayong dalawa. Sa susunod na malaman kong nag-iinom kayong dalawa— yang bote, ipalulunok ko talaga sa inyo!”

Singhal niya sa amin, kaya naman pareho kaming nagkatitigan ni Papa bago palihim na napabungisngis na lamang.

“Tama ‘yan, anak. Pagalitan mo nga ang kapatid mo, pero ‘wag mo na akong idamay— labas na ako diyan,” wika ni Papa bago agarang tumayo, nagtungo sa kusina, kumuha ng baunan niya, at nilagyan ‘yon ng pagkain.

Napakunot-noo naman kami ni Maya dahil doon.

“San ka punta, Pa?” - Maya.

“Mangbababae?”

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon