𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 65

1.3K 129 3
                                        

Aya’s pov.

Nagising ako dahil sa tila kilabot na boses na umalingawngaw sa buo kong paligid— wala pa ako sa aking sariling wisyo nang tila lamunin ako ng takot at nanigas na lang ngayon sa kinauupuan ko nang makita ko na nang husto ang buong paligid.

I am…

I am surrounded in fires.

I want to get away, pero parang halos hindi rin ako makagalaw dahil nakagapos ako sa kinauupuan ngayon.

Ang aking mga kamay, maging ang aking mga paa, nakatali ito nang husto na wari mo’y wala nang paraan pa para makatakas talaga.

Gusto kong humingi ng tulong, pero hindi ko rin magawang sumigaw dahil sa busal na ngayo’y nasa aking bunganga— takip upang hindi ako makahingi ng tulong.

Nagpa-panic na ako sa lahat ng nangyayari— bukod doon, nakaramdam din ako ng halos sobrang takot.

Naliligo na rin ako sa sarili kong pawis dahil sa sobrang init ng paligid— paligid na naglalagablab.

Nahihirapan na rin akong huminga nang ayos dahil halos lamunin na ng makapal na usok ang buong paligid, maging ang aking mga mata ay napapaiyak na rin dahil sa hapdi nitong nadarama.

Who did this? It can’t be Ferrie, dahil noong natumba ako at nawalan ng malay, nasa harap ko lang siya nakatayo habang ‘yung malakas na palo na nagpatumba sa akin ay nagmula sa aking likuran.

“Wakie, wakiee, sleeping dolls.”

Napabaling ako ng bahagyang tingin kung saan nanggaling iyong tinig na ‘yon at tumambad sa aking harapan ang isang speaker lang.

“…”

“You should be awake at this moment, because if you haven’t, the game will be over— ang pangit isipin na maluluto kayo ng buhay nang wala man lang ginawa,” ani ng isang tinig na nagmumula roon bago humalakhak na parang demonyo.

Napalinga ako sa paligid, and then I saw Ferrie na tila bagong gising lamang— hindi siya masyadong nakatali, unlike me.

“You two are finally awake, let’s start the game— welcome to your play house. To play this game, there’s no rules other than: find your way out. If you succeed, there’s an award waiting for you at the end.” Huling saad nito bago tuluyan nang namatay ‘yung speaker.

Napabaling ako ng tingin sa gawi ni Ferrie— at nilamon ako ng sarili ko na ring isipin na kaya ba mas maluwag ‘yung tali niya kaysa sa akin dahil nakasalalay ang buhay ko sa kanya sa larong ito.

Kung pipiliin nyang iligtas lang ang sarili niya… o tulungan ako.

Napapaungol na lamang ako dahil hindi ko halos magawang makapagsalita dala ng busal sa aking bunganga.

Ang aking mga mata’y nangungusap habang tinititigan siya, malapit na syang makaalis sa tali niya, habang ako? Nanatili lang na nakagapos at puno na ng pangamba kung paano ako makakaalis dito.

Habang nilalamon ng naglalagablab na apoy ang paligid, wala pa rin akong tigil sa pagpiglas upang makawala, ngunit parang wala ring nangyayari.

Nawawalan na ako ng pag-asa. I feel scared. Parang feeling ko bumalik ako sa nakaraan ko kung saan wala rin akong nagawa upang iligtas ang sarili ko.

Sandali akong biglang natinag at parang nagising sa aking wisyo nang may biglang sumampal sa akin.

Napaangat ang tingin ko sa kanya at bumungad sa akin ang tila natatarantang mukha ni Ferrie na may bahid ng inis.

“Hindi ito ang panahon at oras para tumulala ka lang dyan!” bulyaw sa akin ni Ferrie bago nagsimulang kalagin ang mga taling nakatali sa akin.

Nang maalis niya na ang mga ito, agaran nyang iniabot sa akin ang kamay niya at tinitigan ako ng seryoso mula sa aking mga mata.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon