𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 45

1.7K 181 17
                                        

Aya’s pov.

“Eaze?...” Wala sa wisyong pagtawag ko sa kanyang pangalan, halos nanginginig na rin ang aking mga tuhod at hindi na magawang makalakad nang ayos palapit sa kanya.

After ko syang pagtulakan kanina na pumasok na sa backstage, someone tried to hurt me— yung inakala kong staff na tumatawag sa kanya kanina.

He tried to hurt me, pero nilabanan siya ni Eaze— mas napuruhan nga lang si Eaze since may mga armas na dala yung guy kanina.

Maraming tama si Eaze sa katawan, dala ng pagpokpok sa kanya ng bote at kahoy ng lalaking ’yon. I tried to stop him kaya pati ako ay nasugatan na rin—he didn’t even stop kahit anong gawin ko kanina.

Luckily, someone noticed us, at sila yung humabol doon sa taong ’yon— ngayon, pinagkakaguluhan na kami ng mga security ni Eaze. We’re waiting for his car para maisugod agad siya sa hospital.

Tulala ako ngayon habang pinagmamasdan ang duguang itsura ni Eaze. Ako sana yung nasa kalagayan niya ngayon kung hindi niya ako tinulungan kanina.

Nanginginig ang aking mga kamay nang haplusin ko siya sa kanyang pisngi. Patuloy lang syang manganganib hangga’t nandirito ako.

He can’t even save his own self because of me. Mas una niya akong pinoprotektahan— why? Is that because of our contract?

Hibang talaga siya.


Ferrie’s pov.

“This is all your fault!” Gigil na gigil kong wika sa kanya bago wala sa sariling sinampal ko siya.

Tila nagulat naman ito sa aking inakto pero nanatili pa ring tulala at nakatayo lamang sa harap ko.

Mukha itong lutang ng kanya.

I can’t stop my anger and emotions now dahil sa nangyari. Nasa OR ngayon si Eaze dahil sa mga tama’ng natamo niya kanina and ’til now wala pa rin kaming balita.

IMuli ko syang pinagbuhatan ng kamay because I can’t think straight this time— nagigigil akong saktan siya.

“It’s your fault!”

If Eaze didn’t save her, hindi sana ito mangyari. Mas mabuti pa ngang siya na lang sana.

“Wala akong kasalanan,” wala sa wisyong tugon nito sa akin.

Napatitig lang ako sa kanya nang husto mula ulo hanggang paa. Ang puti nyang damit binahiran ng kulay ng dugo ni Eaze and ’til now nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay.

Looking at her like this? Mas lalo akong nilalamon ng galit.

Hindi ko na nagawa pang pigilan ang aking sarili at muli ko syang sinampal—  na halos hindi niya rin naman sinalag.

“Don’t make me laugh sarcastically. It’s your fault.”

Sa pagkakataong ito, nagawa na nyang salagin ang sumunod ko sanang sampal sa kanya. Bumaling siya sa akin ng titig na tila ba galit na galit na rin sa hindi malamang dahilan.

“Wala akong kasalanan. I don’t deserve this pain— you should thank me. Dahil bago mangyari ito? Nagawa ko pang tapusin yung kontrata between us ng dahil sa’yo. Favor ‘yon sa’yo, ‘di ba? Lalo na’t ikaw yung pinili.”

Sandali akong natigilan dahil sa sinabi niya.

What did she just say?

Eaze chose me over her? But last time when we talked in his office kung saan nahuli kami ni Aya— in her vision na hinahalikan ako ni Eaze— when it’s me who started it because I was begging him to choose me over her...

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon