Aya’s pov.
“Star Media (SM) will be here any minute,” ate Jaze said, kaya tumango ako bilang tugon. 
Luckily, hindi ako late after that stuck moment together with Zhe sa elevator.
After naming makalabas, I don’t even know kung ano ba dapat ang aking maramdaman— naghahalo-halo na ang aking emosyon dahil sa pag-amin ni Zhe kanina, tapos itong kahaharapin ko pang interview.
Sumasakit na din ang ulo ko kaiisip sa mga tanong na pwedeng itanong mamaya— na kung tutuusin, halos wala pa akong handa at nangangapa pa rin sa pwedeng gawin. Dagdag niyo pa yung magulo kong damdamin don sa isa, plus yung problemang kinahaharap ko pa kay Maya.
Pagod na yung utak ko kaiisip, pero wala akong magawa.
“Are you ready?” Eaze asked me suddenly. 
Wala sa wisyo, napabaling ang aking tingin sa kanya bago marahang napabuntong-hininga na lang.
Ready na ba ako?
“Kinakabahan ka?” he asked me again, kaya napatango na lang ako. 
Akala ko, sa sitwasyon ngayon, iko-comfort niya pa ko— saying words to support me, at least. Pero katulad nga ng inaasahan, hindi yung mga inaasahang salita ko ang lumabas sa kanya.
“We’ve been practicing, idiot— paulit-ulit na lang. Act normal na as if kilalang-kilala mo ko kahit hindi,” tugon niya sakin. 
Napatitig lang ako sa kanya na tila ba nangangapa din ng itutugon, pero mas pinili ko na lang na wag magsalita, since parang dama ko na wala rin siya sa mood ngayong araw.
“Good morning.”
Napabaling ang aming parehong tingin sa taong biglang nagsalita. Bumungad nga sa amin ang isang reporter ng SM.
Natigilan ako sandali at tila seryosong tinitigan siya— sinusuri, na para bang nakita ko na siya.
“I’m Fhiz, Star Media reporter po. If you don’t remember, ako rin po yung unang nag-interview sa inyo before.”
I knew it. It was him— kaya pala parang familiar ang mukha niya sakin.
“Ah— yung nanghampas ng lamesa para bastusin ako noon?” Wala sa wisyo kong tugon sa kanya. 
Tila hindi niya ata inasahan yung salitang binitawan ko, kasi nawala yung ngiting bungad niya sa amin kanina.
Maski ako, hindi ko rin inasahan na lalabas yun sa labi ko, kaya naman marahan akong natawa lalo na nang maramdaman ko rin ang tila pisil ng isa sa aking tagiliran.
“Kidding, don’t take it seriously,” wika ko sa kanya, kaya naman napatango siya sakin bago tumawa ng marahan.
Napabaling naman ang tingin ko kay Eaze na tila inis na nakatingin sakin, kaya naman napanguso na lang ako— chinacharot ko lang naman, para mabawasan sana kahit papaano yung kabang nadarama ko. Ang kaso, yung isa kung makatitig, para na rin akong chacharotin sa sakal.
“Palabiro din pala si Ms. Fenchen,” wika sakin ni Fhiz nang maka-upo na siya sa sofang nasa harapan lang namin.
To be honest, hindi yun biro.
“Ang formal naman masyado, Aya na lang,” wika ko sa kanya bago ngumiti.
“Humble...” rinig kong wika ni Eaze. 
Babalingan ko sana siya ng tingin, kaso wala sa wisyo, napapitlag na lang ako dala ng kiliti dahil sa biglang paghawi niya ng aking buhok.
“Ehem.”
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
