Aya’s pov.
“Seryoso?” takang tanong ko sa kanya.
He just nodded at me, kaya naman napa-facepalm ako bago siya pabirong hinampas sa kanyang braso, dahilan upang mapalayo siya sa akin ng bahagya.
Like seriously? Anong usok ba yung hinihithit ng taong ’to? Ala-una ng tanghali, nasa park kami ngayon, at hindi ko alam kung anong dahilan niya. Tirik na tirik ang araw sa kalangitan, tapos eto kami, parang mga daing na nakabilad.
“Umamin ka nga sa akin, nagsha-shabu ka ba?” direkta kong tanong sa kanya na tila walang bahid ng biro.
He just stared at me before answering, “No, why?”
“Natuyo na ba yang utak mo? At sa dinami-daming oras na pwedeng lumabas, bakit lagi mong pinipili ’yung oras kung saan laging tirik yung araw sa kalangitan? Yung totoo, may utak ka pa ba?” Naiinis kong singhal sa kanya, na ikinatawa lang niya.
“Daming satsat,” he said bago niya inabot ang kamay ko, ngunit pinalo ko iyon.
heard him chuckle. Muli nyang inabot ang kamay ko, at this time, hinayaan ko na lamang siya.
“Wala ka talagang kalambing-lambing sa katawan, no?” pang-aasar ko sa kanya, na ikina-ngisi niya ng bahagya.
“Kailangan pa ba?” he asked me directly, bago bahagya akong nilingon. Seryoso? I don’t even know kung matatawa ba ako o maiinis.
Para syang tanga!
I pouted. “Sa TV ang flirt mong tao pagdating sa iba, tapos sa akin? Para kang chicharron na nilagyan ng suka.” Okay, fine, naiinis na talaga ako sa kanya.
“Are you jealous? I’m an actor and an idol as well; it’s normal to show such a welcoming face on TV, but feelings are not required to be mutual.”
Hinarap niya ako nang husto kaya naman nagkatitigan rin kami ng ilang segundo, bago siya umakto ng lapit sa akin. Hinawi niya ang ilang mga buhok ko na tumatabing sa aking mukha at ginawi ito tungo sa likod ng aking tainga, dahilan kung bakit ako napa-iling sa kiliting nadama ko.
“Because when it comes to you, I don’t need to act— I can be the real me, a person who has deep feelings for this beautiful girl standing in front of me.” As he said that, my heart felt flattered.
Para tuloy akong natulala dahil sa kanyang kakaibang titig.
“Eaze—”
“You’re the most important to me,” saad niya bago ako marahang hinalikan sa aking noo. Natinag lang ako nang dahil sa tila patak ng tubig na dumampi sa aking balat— masyado na pala kaming malapit sa fountain.
“Remember this spot?” agad na tanong niya sa akin. 
Napalingon ako ng bahagya sa paligid namin, kaya naman pagbaling ko sa kanya ng tingin, hindi na sa akin nakatuon ang kanyang mga mata— nakatoon na ito ng hustong tingin sa isang napakagandang fountain sa harapan lamang namin.
“This spot is where your first kiss was stolen by me. Exactly 1 pm. 1:10 also the time when I declared that you’re my girlfriend and you didn’t agree as I expected. Another 1 pm when you came to my company and asked for the contract— as a coincidence in time, 1:10 also the exact time you signed and agreed with it. July 1, 2023, 1 pm, same spot— it’s our first date. And lately, you confessed. It all started at one. I thought you noticed, but I guess it’s just me who made an effort in those little details. See how important you are to me? Because you’re the only one.”
“Naaalala mo pa ’yun?” tanong ko sa kanya. 
Bumaling siya sa akin ng tingin bago sumilay sa kanyang labi ang tila ngiting kay busilak.
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
                                          