𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 22

2.2K 254 56
                                        

Aya’s pov.

Ramdam ko ang tila lamig ng tubig na unti-unting bumababa’t pumapaligo sa akin— doon bigla akong nagising.

I can’t see. It’s too dark.

Ramdam kong nakatali ako, nakapiring, at may busal din sa bibig. I suddenly moved my body, nang maramdaman kong may bumuhos ulit na malamig na tubig sa akin, sabay tanggal ng busal sa aking bibig kaya naman agaran akong napaubo’t habol-hininga, dahil halos nainom ko na rin ang tubig kanina.

“Gising na siya,” ani ng isang tinig ng lalaki.

Ramdam ko ang presensya niya sa aking gilid— kaya batid kong siya rin yung lalaki kanina.

“S-Sino kayo?” tanong ko sa kanila, habang pilit na pumipiglas mula sa pagkakatali. But I think it’s useless dahil sa higpit ng pagkakabuhol sa akin.

“Hindi mo na kailangan malaman kung sino kami,” wika nito sa akin.

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari lalo na’t nakatakip pa rin ang aking mga mata, at wala akong kaide-ideya sa ginagawa o pwedeng gawin nila sa akin.

“Pakawalan n’yo ko! Bakit n’yo ba ’to ginagawa?!”

I have no idea kung anong kasalanan ko para tratuhin ako ng ganito. May mali ba akong nagawa? Bakit kailangan pa nila akong kidnapin?

“You offended our boss.”

“Offend? Your boss? Sino?”

“You’ve no idea about it? Let’s say— you offended our boss because you’re with him.”

Wait... is he talking about Eaze?

“Who’re you talking with? Baka nagkakamali lang kay— ah!” Daing ko nang sa isang iglap ay may kamaong tumama sa sikmura ko. Habol-hininga ako’t napaubo na rin habang dinadaing ang sakit ng suntok.

“Ni minsan, hindi nagkamali ang aming boss.”

“P-Parang awa n’yo na... ’wag n’yo ’to gawin... pakawalan n’yo na akoo rito...” Daing ko sa kanila habang nanatili pa ring namimilipit sa sakit.

“Alam n’yo na ang gagawin dyan.”

Hearing those words, mas lalo akong nakaramdam ng takot at pangamba sa maaaring mangyari sa akin.

Tiyak, isang napakasakit na araw ang naghihintay ngayon.


Third person point of view.

“Bro!” Bungad agad ni Kian kay Eaze nang makita ito, bago siya agarang tinapik sa balikat. Umiling lang si Eaze habang kampanteng nakaupo sa sofa.

“Why are you here?” Tanong ni Kian out of curiosity. He’s been thinking kung bakit nandito sa head office ang kaibigan, eh samantalang may shooting ito sa ongoing program.

“Why, I can’t be here?”

“No, bro. I’m just curious. May show kayo, ’di ba?”

“How about Aya?” Biglaang singit ni Zhe’kin, kaya napabaling ang tingin ng dalawa sa kanya. Ngunit hindi man lang nag-atubili si Eaze sa pagsagot sa tanong ng kaibigan. 

“Maybe wala silang shooting. Anyway bro, akin na cellphone mo,” wika ni Kian, sabay lahad ng kamay kay Eaze. Binalingan lang siya nito ng tingin na tila wala sa wisyo.

“Why?”

“Ipapasa ko yung lyrics ng new song natin. I know may copy ka nyan sa phone mo.” Walang imik na kinuha ni Eaze ang cellphone niya bago ito inihagis kay Kian— na agad namang nasalo.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon