Aya’s pov.
Desidido na ko. Wala nang atrasan ’to— after all, nagawa ko na rin naman ang goal ko: ang mapagamot si Maya. Wala na rin naman sigurong dahilan para manatili’t ipagpatuloy ko pa ito, tama?
Kung hahayaan ko pang magpatuloy ang lahat, baka lalo lang akong masaktan— lalo na’t may nararamdaman pa rin ako sa kanya.
A one-sided love of mine na hindi niya kinilala.
“You sure about it, Aya?” tanong sa akin ni Ate Jaze.
Una ko syang kinumpronta para malaman ang iba pang detalye tungkol sa kontrata, lalo na ngayon na desidido na ko sa aking sarili na tapusin na ito.
She told me na wala daw problema kung tatapusin na namin ito, pero dapat daw manatiling lihim ang lahat— kailangan din daw na magkaroon ng matinding rason bago matapos ito para maging sapat na sagot sa mga taong magtatanong tungkol sa ‘breakup’ thing namin.
Humihingi lang siya ng ilang araw na palugit para doon, since kailangan niya munang ayusin ito. And after that? Maglalaho na lang ako na parang bula.
“I’m so thankful po, Ate, sa lahat ng naitulong niyo sa akin. Pero panahon na po talaga sigurong tapusin ko na ito at tumahak na muli ng panibagong daan para sa akin.”
“Aya…”
“It won’t take too long naman po sigurong matapos niyo ang kontrata between us, right? Dahil umiinit na po ang usapin between us, at natatabunan na rin yung issue about her,” muli kong wika sa kanya na tila ikinagulat pa ata niya.
Why? Inasahan ba nila talaga na hanggang sa huli, wala pa rin akong alam tungkol sa tunay na nangyayari? I had enough about it.
“You know…”
“Alam ko na po,” wika ko, bago tila nagbigay ng isang mapaklang ngiti sa kanya. It hurts— lalo na’t nalaman ko pa ’yon sa iba.
Nangumbaba ang mga titig sa akin ni Ate Jaze, at tila alanganin pang magsalita muli dulot ng ilang hiya niya sigurong nadarama.
“Feeling mo siguro ngayon, pinagkaisahan ka namin. Nararapat lang na humingi kami ng tawad about that— we’re being un-pro pagdating sa’yo—”
I suddenly cut off Ate Jaze’s words with mine, pinangunahan ko na agad siya.
“I can’t blame you, Ate Jaze. After all, pinasok ko tong kontratang ’to kasi nangailangan ako ng husto— ako yung may mas higit na pangangailangan.”
I’m so thankful about it. Dahil kung hindi dahil sa kanila at sa kontratang ito? Baka tuluyan nang nawala sa akin ang kapatid ko.
At akin lang, nagdesisyon akong tapusin na ito dahil mas nasasaktan lang ako habang tumatagal. Mas lalo kasi akong nahuhulog sa kanya— yung nararamdaman ko para sa kanya yung mas nagpapahirap sa akin.
Mukha na akong tanga, kasisiksik ng sarili ko sa kanya, knowing na wala naman talaga akong lugar sa mundo nila.
“Thank you for being part of us, Aya,” wika sa akin ni Ate Jaze, bago tila agarang umakma ng yakap sa akin na agad ko ring tinugon ng isang mahigpit na yakap pabalik.
Ito na siguro yung katapusan na dapat ko nang sulitin.
Jaze’s pov.
After my conversation with Aya, wala na akong nagawa to stop her sa decision niya na tila desidido na.
Napasinghap na lang ako sa hangin, bago tila malungkot na binalingan ng tingin ang pintuang nilabasan niya— she gave up, like what I did.
I know she has something with Eaze, but Eaze doesn’t even consider her feelings for him as a presence— Aya had enough about it, I guess. She gave up dahil akala niya wala nang patutunguhan pa ang lahat ng mga bagay na ito.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
