𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 48

1.7K 182 19
                                        

Aya’s pov.

Patuloy kaming naglibot ni Dexe, naghahanap ng magandang spot para sa topic niya— pero ang malas lang talaga yata namin kasi halos wala kaming makita na magba-base doon sa topic niya.

Bukod sa pagod, nakisabay pa ’tong nararamdaman kong kirot ngayon sa dibdib. Bakit? Kahit kasi saan kami magpunta, laging bumubungad sa akin yung picture nung dalawa.

Mukha silang masaya for being together. Ang sakit lang sa part kong makita yung mga larawan nilang pakalat-kalat ngayon— lalo na yung iba na tila nakadikit doon sa isang malaking box na parang nakalutang ngayon sa harap ko dito sa mall area.

“Ate?! Ipaliwanag mo nga kung bakit sila nagpapalipad ng saranggola ngayon, eh wala namang hangin. Tapos nakadikit pa yung mga mukha ng mga hayop na ’yan?” Naiirita kong tanong doon sa babaeng biglang sumulpot at naki-upo sa upuan ko.

Napakunot-noo siya sa akin na tila ba nagtataka sa sinabi ko, bago lumandas ang tingin doon sa tinutukoy ko.

“Hindi ’yan saranggola, billboard ’yan. Tanga ka ba?”

“Billboard?” Tunog sosyal, pero parang English term din naman ata ng saranggola— pinaganda lang ata ni ate.

Napabaling ako ng tingin doon sa babaeng katabi ko ng bahagya, bago muling bumaling ng tingin doon sa tinutukoy ko.

“Bakit nila pinapalipad ’yang billboard?”

“Huh? They didn’t. Naka-fixed ’yan. Anyway, ang bagay na ’yan is for promoting something interesting— kumbaga, hina-highlight nila dyan yung mga sikat na dapat ma-feature. Like that couple, nasa hottest trends spot sila ngayon.” Pagbibigay-paliwanag niya sa akin na ikina-tango ko naman.

Naintindihan ko naman lahat ng paliwanag niya sa akin.

“Hottest spot… uhm? Siguro nasa nguso ngayon sila ng bulkan kaya gano’n.”

Napabaling ako ng hustong tingin doon sa katabi kong babae nang tila madama ko ang biglang pagtayo niya.

“Ate, saan ka punta?” Agaran kong tanong.

Bumaling siya sa akin ng tila inis na titig bago napasinghap pa.

“Find another place for me. Ang tanga mong kausap, nakakarindi ka,” wika niya bago tuluyan na ngang umalis.

Problema nun? Aish! Dexe, nasaan ka na ba?

Ferrie’s pov.

Our company has been collaborating with each other— we gained a lot. Aside sa mga subscribers ngayong taon, may mga projects and opportunities rin na patuloy pa ring dumarating sa amin.

Natatambakan na kami ng projects at invitations dahil sa mga sunod-sunod na advertisement ng mga company na gustong kumuha sa amin bilang modelo nila.

Sikat kami dahil sa pinapakita naming trato sa isa’t isa on-cam— without them knowing the truth behind it.

Tinupad nga ni Eaze yung pangako niya, pero damang-dama ko naman yung salitang ‘napilitan lang’ doon. He treated me differently— para bang ipinamumukha niya sa akin sa araw-araw naming pagsasama kung gaano siya nagsisi sa pagbitaw at pagtupad ng pangakong ’yon.

It hurts, lalo na’t harap-harapan niya talagang pinapakita sa akin.

“This is your last day here in America. Any plans for today before your flight?” Agarang tanong sa amin ng manager, katatapos lang ng commercial shoot namin ngayong araw.

Tomorrow is the day again ng aming pagbalik sa lugar na iniwan namin because of some reason— including Aya.

Pinilit ko talaga ng husto si Eaze na sumama sa akin dito. At first, hindi talaga siya pumayag kaya nahirapan ako ng husto— but I threatened him.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon