𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 69

1.3K 130 2
                                        

Aya’s pov.

“Sorry...” Ito ang tanging salitang nasabi sa’kin ni Maya bago siya napayuko na lang dala ng pagkahiya, siguro, sa akin ngayon.

I’ve been betrayed again by them.

Sinampal ako ng lahat ng katotohanan. Why? Because it all started with me— dahil sa trauma ko na pilit ko nang kinakalimutan at desidido na rin sa sarili kong takbuhan na lamang ito sana.

Ngunit hindi nila hinayaan. They tried to help me, kaya nabuo yung plano nila na halos hindi ko inasahan.

Sa park kung saan nagsimula at natapos din ang lahat.

First part of their plan was yung meet-up namin ni Eaze sa park— pero the kiss happened between me and Eaze? That’s unexpected.

Tinulak pala talaga ako ni Maya that time para makuha ako ni Eaze, bago pa man mawala si Maya noon. Inasa na lang pala niya kay Eaze kung anong dapat gawin noong oras na ‘yon, that’s why our first kiss happened.

He made sure na maba-blackmail niya ako nang maayos at walang butas para makapagtanong ako tungkol sa kontrata na biglang magaganap.

The second part of their plan was to make me confused about their offer— na halata naman daw na tatanggihan ko. Kaya doon pumasok ang another back-up plan nila, which is yung sakit ni Maya.

Masyadong nakakaipit yung sitwasyon na ‘yon, kaya wala na akong halos naisip pang iba kundi ang tanggapin na lang kung ano ang darating.

The next thing— and still part of the plan— yung pagtrato sa akin ni Eaze, kung saan nakaramdam ako ng labis na emosyon sa sarili ko na unti-unti palang nakakatulong sa’kin nang hindi ko man lang alam.

They did help me sa paraan na halos hindi ko inasahan. Marami akong pinagdaanan bago ko tuluyang naharap yung takot ko. Kasama rin sa plano na ‘yon ang pagtulong kay Ferrie, with the help of that contact set-up between me and Eaze.

Habang hinaharap ko ang sarili kong problema na hindi ko namamalayan, Eaze pretended na parang hindi niya talaga ako kilala— without me knowing na siya pala talaga yung nagligtas sa akin before.

Isang napakalaking pasabog para sa akin. Ngunit ang mas lalo kong hindi inasahan ay yung behind contact story namin— yung kwento na ginawa namin upang paniwalain ang iba (that we were childhood lovers) ay hindi lamang pala gawa-gawa, kasi totoo nga.

But the thing is, our childhood love story didn’t end well dahil sa kagagawan rin ni Zhenan. She’s a psychopath— obsessed na siya kay Eaze noong una pa lang.

Reason kung bakit hindi siya pinatulan ni Eaze back then? It’s because of Zhe’kin, matalik niya itong kaibigan kaya ang tingin ni Eaze kay Zhenan noon ay parang kapatid na lang rin. Aside from that, alam na rin pala ni Eaze simula pa noon kung anong kondisyon ni Zhenan at kung paano ito mag-isip, ngunit hindi niya rin lubos naisip na hahantong sa ganitong bagay yung kay Zhenan.

Even I, hindi ko talaga halos napansin yun kay Zhenan.

Eaze did everything to protect me, but he failed— mas nako-control kasi siya ni Zhenan back then using that black gift box. Zhenan used to threaten him gamit ang aking mga larawan.

Kaya halos wala syang nagawa noon upang protektahan ako nang maigi, because back then, halos wala din silang clue sa taong gagawa noon.

Habang si Zhenan, basic na lang sa kanya na gawin at simulan ang plano niya anumang oras— kasi nauto niya na yung gaya kong uto-uto.

Aside from using me, she used her own daughter as well, which is baby Zeyan— ginamit niya ang sarili nyang anak upang maging mata sa lahat ng magiging kilos ko.

A great plan of hers na nag-work naman.

Then Zhe’kin— he admitted his fault. Umamin siya na siya nga yung taong humampas kay Eaze sa likod ng backstage. Zhenan left him no choice; kapag hindi niya daw ginawa, ako yung mapapahamak that time.

Zhe can’t hurt me, dahil alam nyang mas double ang sakit na mararamdaman ni Eaze kapag ako ulit yung napahamak. Kaya yung plano noon ni Zhenan na ipabugbog ako sa backstage ay hindi rin nangyari, dahil mas nagtutok siya kay Eaze at sa galit niya kay Zhe’kin dahil nga sa ginawa nito.

I’ve been fooled by them.

Si Papa— kasali din siya sa mga nagpanggap. Hindi pala talaga galit sa amin si Papa, hindi niya kami iniwan before. Yung mga alaala ko sa kanya na iniwan niya kami? It isn’t true. Gumawa lamang ng sariling alaala ang isip ko dahil sa trauma noong sunog.

Ngunit nagpanggap pa rin si Papa, like he doesn’t care about us— kaya naghalo-halo talaga yung emosyon ko noon.

At yung taong hindi ko halos inasahan ang presensya— Tris. He admitted his sin also, kasama siya sa mga nagpanggap.

Umamin siya sa akin lately, after nyang sunduin si baby Zeyan na ayaw pa ring umuwi because of me. He admitted and told me na siya ang tunay na papa ni baby Zeyan. Halos nagulantang din ako sa balitang inihayag niya sa akin na ‘yon.

Like— how? When?

Yung katanungan na ‘yon, sinagot niya rin— he and Zhenan had a relationship before. Hindi sinasadyang may nangyari sa kanila, kaya nabuo si baby Zeyan.

Pero hindi iyon tinanggap ni Zhenan, dahil si Eaze ang gusto nyang maging ama ng magiging anak niya. Kaya nanahimik na lang si Tris para sa kabutihan ng kanyang anak— kapag daw kasi pinilit pa niya si Zhenan tungkol sa bagay na iyon, baka manganib lamang ang buhay ng kanyang magiging anak, dahil pwede itong ipa-abort ni Zhenan anumang oras.

The great thing happened— at hindi nangyari yun. Pero the worst thing is, inilayo naman ni Zhenan ang bata kay Tris. Masyadong naging obsessed si Zhenan kay Eaze, kaya walang nagawa si Tris.

Since kahit ano namang gawin niya noon, pilit pa ring nilalayo ni Zhenan ang bata sa ama nito, pumasok na lang sa isipan niya na lumapit sa akin— magpanggap na manliligaw ko upang mapalapit sa anak niya na ni minsan ay hindi pa niya nasilayan.

They did a great job at being pretenders— sa sobrang galing nilang magpanggap, napaikot nila ako ng husto.

Ilang ulit akong nasaktan at sinaktan— na kasama din pala sa plano nila. Hindi ko talaga lubos maisip na kaya nilang gawin ‘yon sa akin.

They made a choice, hindi para sa kanila.

Naka-recover ako sa trauma, bumalik sa akin yung mga iilang alaala na halos hindi ko na matandaan. That’s a great thing, I’m so thankful for them. Pero ngayon? Mas nangingibabaw pa rin sa akin yung sakit ng mga panloloko nila. Mukhang hindi ko pa sila kayang patawarin, kahit na para sa ikabubuti ko yung ginawa nila.

Umakto ako ng totoo sa kanila— pero sila? Isang plano lamang pala ang pakikitungo nila sa akin.

Nakakatawa lang, dahil mukha na pala talaga akong tanga sa harap nila— isang uto-utong nabubuhay. Uto-uto na inuuto din nila.

Ayokong magpadalos-dalos ng desisyon ngayon, kasi tuwing nagmamadali tayo sa mga bagay sa buhay, napupunta tayo sa desisyon na wala ring dinudulot na ayos.

Should I hesitate and think first about it also?

I suddenly threw a glance at Maya mula sa tila malalim kong pag-iisip kanina.

“Pwede bang iwan mo muna ako? Gusto ko lang makapag-isip muna.”

“A-Aya...”

“Don’t worry, I won’t do things na ikasasakit ng sarili ko. Hindi ko pa naiisip magbigti ng akin para lang mawindang kayo. Mag-iisip lang ako, kailangan ko lang ng kaunting panahon— na sana kahit ‘yun man lang ay mapagbigyan niyo.” saad ko sa kanya, na ikinatango niya naman sa akin bilang tugon.

“Nasa labas lang ako. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka,” wika nito bago agad na ring lumabas.

Napabaling ang aking tingin sa bintana na katabi lang ng aking higaan.

Bago tila walang pasintabing napabuntong-hininga na lang dala ng bigat na nadarama, bukod doon, umukit din sa sarili ko ang tila isang mapaklang ngiti.

Awang-awa ako sa aking sarili.

It takes time— when I’ve been fooled by them, reason to help me out— but it takes time also for me to forgive them all.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon