𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 12

2.7K 331 131
                                        

Aya’s pov.

“Fuck, shit!” singhal ni Eaze bago pinag-sisipa ang flat nyang gulong. And me? Wala— tinitingnan ko lang siya.

I’ve nothing to do about it. Should I react? Eh sa wala akong pakialam. Ba’t ba? Wala rin naman kasing maitutulong kung pati ako magre-react din.

What I mean is, wala naman akung alam, so anong reaction ang ibibigay ko sa kanya? Magbe-behave na lang siguro ako dahil knows ko naman na kahit anong gawin ko, yung inis na expression lang niya ang ipapakita niya sa akin.

I should better react in this situation, lalo’t damay ako. Kaya nga lang, nakakainis ring makipagsumbatan sa kanya— kasi in the end, hindi ka rin mananalo.

And for the info, nasa gitna kami ng kawalan, kasama yung kotse nyang nasiraan. Worst, right?

What’s even worse is, mukha pa kaming tanga kasi di namin alam kung saan hihingi ng tulong. Sinong tatawagan? Wala namang signal.

Papunta sana kami sa beach resort nila Zhe’kin na bagong bukas. He was inviting us dahil hindi daw kami pweding mawala sa event na ’yun. Nauna na sila sa amin since kailangan talagang mauna don ng owner para mag-asikaso.

Ang saya na sana, eh— may outing! Masaklap nga lang kasi nasiraan pa kami.

Ito kasing demonyong ’to, pwede namang isahang sasakyan na lang— hindi pa pumayag. Ang arte rin.

“Fuck, dammit!” sigaw niya habang ginugulo ang buhok niya— na as if naman may maitutulong ’yon.

“You know what?—”

“What?”

“Tumigil ka na kasisigaw d’yan, wala ring magagawa ’yan. It’s useless,” I said, then umirap sa kawalan.

Ramdam kong bumaling siya sa akin ng isang seryosong tingin, kaya napatungo naman ang tingin ko sa kaniya upang salubungin.

Napaangat ako ng isang kilay nang sa isang iglap, siya’y tumalikod sa akin.

“Uy! Uy! Saan ka?” I asked out of wonder, nang tila maglakad siya palayo sa akin.

He sudden stopped, then muling bumaling ng tingin sa akin.

“What? You’ll do nothing again? Look, if you want to stay here, stay. I don’t care. I’ll find a nearby place here in the middle of nowhere,” he said, then started to walk away.

Parang lutang na nangapa pa ako sa mga binitawan nyang salita. At nang tila ma-gets ko na ang sinabi niya, doon ko lang napagtanto na napakalayo na niya sa akin.

“Eaze! Hoy! Sama ko!” sigaw ko bago tuluyang hinabol siya.

Seriously? Ako lang ba? Why do I feel na may lahing kabayo ’yung demonyong ’yun? Ang bilis mag lakad— akala mo kabayong tumatakbo.

While following him, I can’t even focus kung ano ba dapat kong intindihin— yung paghabol sa kanya o yung pangamba ng takot sa panganib?

What I mean is, nasa lugar kami ng walang kaalam-alam kung saan. Isa syang taong may titulo sa pangalan. Hindi ba ’yon mapanganib?

He can be a target of anyone. Sikat siya, kilalang tao at mapera. Hindi ba ’yon delikado? Baka kasi may makakilala sa kanya, tapos mapahamak kami.

I know na magiging damay lang ako, but once may mangyaring masama sa kanya, ako nanaman ang sisisihin nila.

Patuloy pa rin akong naglalakad— halos lakad-takbo na nga. Because I still can’t approach him.

I’m still far from him, halos tanaw ko lang siya sa distance. I can freely watch his back na tila pawisan na ngayon— dahil sa sobrang init at pagod siguro, dahil medyo malayo-layong na rin ang nalakad namin.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon