Jaze’s pov.
“Any update?” he asked.
Like seriously, after he left here in the office earlier— akala ko may lalakarin na siya. Inexpect ko pa naman na pupuntahan niya yung isa (I’m talking about Aya), pero ang loko, lumabas lang pala ng opisina para bumili ng kape sa Starbucks.
“She’s been in Star Media at 8:30, 8:40 in the Director’s office. I called Ms. Chang lately, the director who had a talk with her, at ang sabi, kaaalis niya lamang—” Sandali akong natigilan bago napabaling ng tingin sa orasan. It’s been a while. “—If you leave here now, you might catch up with her.”
Napabaling ang aking tingin sa kanya, sinalubong naman ako ng tila nagtataka nyang itsura.
“Huh? That’s not what I want to know. What I mean is the thing— she’s been there— purpose ng pagpunta niya doon.”
“And what I mean also is— that’s your job to find out. If you don’t leave here as soon as possible, ayoko nang sabihin pa ang mga susunod na mangyayari,” wika ko bago ko siya biglang pinasadahan ng tingin na tila may kahulugan.
Sandali syang natahimik bago napabaling ng tingin sa isang itim na kahon na ngayo’y nasa aking basurahan.
Napakunot-noo ako nang makita ’yon. Hindi ko pa rin matukoy till now kung bakit lahat ng regalong natatanggap ni Eaze na ganito ang kulay ay dumidiretso lamang sa basurahan.
Gusto ko syang tanungin tungkol doon, ngunit wala rin naman akong sagot na nakukuha mula sa kanya. Gusto kong usisain din ang bagay na ’yon minsan, ngunit pinapangunahan niya na agad ako sa kanyang mga salita na ‘wag na lang daw mangialam.
That’s why till now, wala pa rin akong magawa para tulungan siya dahil mismong ako, wala na ring alam pa sa mga nangyayari.
“Anyway, Eaze, about that black box—” Hindi ko na nagawa pang ituloy ang kuryusidad kong tanong nang putulin niya ito dahil sa bigla nyang tugon.
“You don’t need to know what’s that thing about. I’ve been hesitant because of that...” (tried to give an explanation tungkol sa box without mentioning it, literally) “It’s time to decide and do something about myself.”
Napakunot-noo na lamang ako doon sa binitawang salita ni Eaze bago siya umalis. Wala akong alam tungkol sa sinasabi niya pero ramdam kong may plinaplano siya.
Aya’s pov.
“Pwede ’wag mo na akong pahirapan?” pagmamaktol ko sa kanya na tila ba parang wala lang rin.
“As I said, make it cuter to please (beg) me,” ma-awturidad namang wika nito. Sa totoo lang, I tried it five times pero walang nagwork sa mga ginawa ko.
Nakakainis na rin yung sapilitan nyang pagpapagawa sa’kin ng mga bagay-bagay pero wala rin naman akong magawa— I need to do this, to win his approval.
Nagmumukha na rin akong uto-uto dahil dito, mukhang aso na rin kasusunod at buntot sa kanya kung saan, para magmakaawa lang.
Kailangan ko ng income— money. Pera, hindi para sa akin kundi para sa aking pamilya. To be honest, wala naman akong pakialam kung kikita ako o hindi sa sarili kong libro. Gusto ko lamang sana ito ibahagi nang libre lang, ngunit sa panahon ngayon, kailangan talaga nating kumita ng pera.
Lalo na ngayon, kasi pinapagawa na ulit namin nila Maya ang bahay na iniwan sa’min ni Mama. But the thing is, puro sila na lang laging dalawa ni Papa ang gumagastos, dahil hindi ko rin halos mai-asa sa sweldo kung hindi naman kalakihan.
Kaya para makabawi, pilit ko talagang ginagawa lahat ng paraan para mapapayag lang si Tris— nakasalalay sa kanya ang pag-publish ng gawa ko.
Napasinghap ako bago tila wala sa wisyo’ng napabusangot na lang ang akin. Make it cuter to please him. Gusto niya ba na mag-baby talk ako’t magmakaawa na parang bata?
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
