𝐂𝗁𝖺𝗉𝗍𝖾𝗋 51

1.8K 180 18
                                        

Aya’s pov.

It’s finally my free day— nasa bahay ako ngayon, together with Maya and Zeyan, having a great bonding time together.

“Zeyan?” pagtawag-pansin ni Maya kay Zeyan na tila busy kakalaro sa iPad niya.

“Yes, tita?”

“Tikman mo ’to, dali!” tugon sa kanya ni Maya na tila ba puno ng galak habang isinusubo ang tried-baked nyang homemade cake kay Zeyan.

“Uhm. Yummy!!” tugon ni Zeyan sa kanya bago tuluyan na ngang ibinaba ang kanyang hawak na iPad para makakain pa siya ng ayos at makahingi ng muli.

Yummy? Para makadami.

Nakatulala lamang ako ngayon sa ginagawa nitong dalawa, halos hindi ako makasali sa kanilang ginagawa dahil bukod sa ’di ko alam ang gagawin, ay para pa ring wala ako sa wisyo kakaisip no’ng nangyari between me and Eaze no’ng nakaraan lang.

I just can’t believe it. Sinabi ko sa sarili ko na ’wag nang maniwala sa kanya— But now look at me. Sa isang iglap, marupok na ulit.

I can’t stop thinking about what he did. Anong rason kung bakit niya ’yon ginawa?

Wala na rin namang kami— I mean, wala nang contract thing na namamagitan pa sa ’min para gawin niya ’yon sa akin, ’di ba? Ano ’yon? Kiss as a welcome present? For a friend? More than a friend? Or ex-contract girlfriend? Whatever his reason is, it’s giving me a headache.

Kinalimutan ko na lahat ng tungkol sa kanya. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Nasaktan na ’ko before dahil pilit kong pinaramdam sa kanya ’yung sarili ko pero hindi niya pinansin.

But now? Kung kailan medyo naka-move on na ’ko, siya naman ’yung nagparamdam.

Aya, don’t lose.
No matter what happens, don’t let yourself fall for him again.

“Aya!”

Mula sa aking tila wala sa wisyo kanina, agaran akong nabalik sa aking ulirat nang biglang sumigaw si Maya na nasa gilid ko lamang.

Napatakip tuloy ako ng tainga dahil sa kanyang ginawa, bago siya binalingan ng tila kunot-noong tingin, tapos sinamaan pa ng tingin.

“Bakit ka ba sumisigaw?!”

“Tinatawag kita.”

“Alam ko, ’di mo na kailangang sumigaw— hindi ako bingi,” wika ko bago napa-ngalumbaba na lang at ngumuso sa kanya.

Sandali syang natahimik bago lumingon kay Zeyan, kaya naman pati ako gumawi na rin ng tingin doon.

Wait? May problema ba?

“Moome, tita Maya was calling you more than times— what’s gotten into you? Hindi mo siya pinapansin.”

Napa-ayos tuloy ako ng upo bago alanganing nilingon si Maya at bahagyang ngumiti na lang nga sa kanya.

Siguro may tama na ’yung eardrums ko, kaya hindi ko na siya marinig nang ayos. Kinulang ba ako sa paglilinis ng sarili kong tainga?

“S-Sorry…” wika ko bago kumuha ng tinidor at tinikman na nga ’yung ginawang cake ni Maya.

“Aya!”

Sandali akong natigilan ng akin at tila gulat na binalingan muli siya ng tingin nang bigla syang sumigaw.

“Bakit?”

“Hindi pa luto ’yang cake na kinakain mo,” wika nito sa ’kin, na mas ikinagulat ko naman lalo, bago wala sa wisyong iniluwa ’yung kinain ko.

The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon