Aya’s pov.
After what happened kahapon— spending time with those people na sumasang-ayon na rin sa’kin, nakikisama’t nakikibarkada na rin— It makes me feel glad, except sa taong kasama ko ngayon na bukod sa hindi na nga marunong makisama, ayaw pang sumang-ayon.
“Bitawan mo ’ko!” singhal ko sa kanya, habang pilit na pinipigilan siya sa paghila sa’kin papasok ng amusement park.
I told him before na ayoko sa lugar na ’to— pero bakit parang wala lang sa kanya? Yung mga salitang binitawan ko, parang hangin lang rin sa kanya— na tila pumapasok sa kanyang tainga, tapos tumatagos naman sa kabila.
“Please, Eaze, ’wag mo ’kong pilitin dito,” wika ko sa kanya habang patuloy pa rin syang pinipigilan sa paghatak sa’kin tungo sa entrance.
Nakinig naman siya sa’kin, huminto din siya. Hindi ko nga lang inasahan na sa mismong entrance na kami nakatayong dalawa— doon siya huminto, doon niya ’ko pinahinto.
Tila nakaramdam ako ng lamig at kilabot na dumaloy mula sa aking kamay, na biglang bumalot ngayon sa buong katawaan ko, nang pagmasdan ko ang loob ng amusement park.
Mula dito’y tila may kung anong mga alaalang biglang lumutang sa isipan ko— alaalang gusto ko na lang kalimutan, ngunit hindi ko rin halos magawa.
That day of our incident, na tila nagbigay bangungot ng takot at sugat ng nakaraan sa akin— ang naiwang pilat sa aking kabilang braso, ang tanda ng alaala’ng hindi na mabubura.
That day, I thought it would end up as our happiest moment together ng kapatid ko, pero tulad ng inaasahan— ibang pangyayari yung nangyari.
Kung tutuusin, unang sakay sana namin ’yon. Nasa entrance na kami ng pila, ngunit hindi rin natuloy dahil sa biglang sunog na nangyari— sunog na lumamon sa buong amusement park.
January 1, 2009, ang araw ng aksidente. Bagong taon— ngunit nagbigay din ng trauma sa akin. I’m so scared that time, nilalamon ako ng takot na baka... oras ko na.
Nagkahiwalay kami ni Maya dahil sa sobrang pagkakagulo ng lahat makalabas lang.
Binabalot na ng makapal na usok ang bawat paligid ko, nahihirapan na kong huminga— nakakaramdam na ko ng init at paso sa balat. Gusto ko nang makalabas, makaalis, ngunit patuloy pa rin akong itinutulak paloob ng mga taong nakakasalubong ko.
Wala akong nagawa. Hindi ako makalakad paunahan dahil pilit pa rin akong bumabangga sa kanila’t napapaatras na lang, hanggang sa gumawi ako sa isang area na kung saan nilalamon na rin ng sunog.
Nalaglagan ako ng isang matigas na bagay na syang nagdulot upang maipit pa ’kong lalo— hingalo na ko noong humihingi pa rin ng tulong. May nakapansin, pero mas pinili nilang deadmahin.
Noong mga oras na ’yon, nilamon ako ng takot dahil alam kong wala nang pag-asa na may tutulong pa sa akin.
Na kung tutuusin, nasa labas na ’ko ng area, pero mas pinili kong bumalik para lang hanapin ang kapatid ko. Humingi ako ng tulong, pero walang tumulong.
I’ve no choice that time.
So I tried to find her with my own ways— pero nag-fail din. Nilalamon na ko ng takot noon, lalo na nang maipit ako. They didn’t help me out. No one bothered to save me that time.
Mas inuna nila yung malapit sa kanila, kaysa don sa batang nangangailangan talaga ng tulong.
They left me behind.
I thought it would be the end of my story— pero sa pagmulat ng aking mga mata, bumungad sa akin ang puting paligid.
Nasa hospital na pala ako.
BINABASA MO ANG
The Pretender
Romance- Completed. She's Aya Fenchen, an addle-brained and old-fashioned woman. She lives a peaceful life, but not until she meets Eaze. The famous idol who set her on a contract for being his girl, a contract that she can't refuse for a lifetime for some...
