[3] Hit By Cupid

174K 4.3K 1.6K
                                    

"The world is so unpredictable. Things happen suddenly, unexpectedly." ~ Paul Auster 

***3***

"We're getting married."

"We're getting married."

"We're getting married."

"UGH!" Napasabunot ako sa buhok ko sa paulit-ulit na boses ni Mama na naglalaro sa utak ko. Nakakafrustrate! Akala ko, wala nang mas may mailalala ang araw na 'to, meron pa pala.

"Nakakainis... Nakakainis... Nakakainis... Nakakainis!!" 

"Ate?"

Nilingon ko si Rance na ngayon ay nakahiga sa kama. Nakasimangot pa ako at paniguradong magkasalubong na ang mga kilay ko. "Ano?"

"Galit ka?"

"Sayo? Hindi."

"Ang sungit mo." Nagpout pa siya.

Huminga ako ng malalim at umiwas nalang ng tingin. Bagsak ang balikat kong bumaling sa laptop ko. Kanina ko pa hinihintay mag-online si Papa sa Skype. Naka-'away' mode siya ngayon. 

"Ate..."

"Rance, matulog ka na. May piano class ka pa bukas diba?" Sinubukan kong pakalmahin ang boses ko pero hindi ko kaya dahil may bakas pa rin ng pagkainis nung sabihin ko iyon.

"Ate, bakit ka galit?"

Binalingan ko ulit siya. "Rance, matulog ka na. Dun ka na kaya matulog sa kwarto mo?" Nahagip ng paningin ko ang digiclock ko. Past 10 pm na pala. Almost 3 hours ko nang hinihintay si Papa sa Skype.

"Sige," malungkot na sabi niya at bumangon na pagkatapos. Pagkalabas niya habang yakap-yakap ang teddy bear niya, nagpakawala ako ng buntong-hininga. Mas lalo lang akong nalungkot nang makita ang teddy bear ni Rance. Bigay pa yun ni Papa noong 2years old pa siya. Hanggang ngayon, yakap-yakap niya pa rin ito hanggang sa pagtulog. Mas lalo ko tuloy namimiss si Papa.

Mayamaya lang, wala pang limang minuto, bumukas ulit ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si Rance na medyo teary-eyed. Hindi ko alam kung inaantok lang siya o baka naiiyak na talaga siya.

"Oh, Rance--"

"Ate, dito nalang ako."

"Bakit? Big girl ka na. Kaya mo nang mag-isa o kaya makitulog ka sa kwarto ni Mama," sabi ko sa kanya.

Umiling lang siya at tumakbo na sa kama ko saka siya nagtaklob ng kumot hanggang sa leeg niya. "Hindi na ako pwedeng matulog sa tabi ni Mama. Nandun si Tito Anton sa kwarto niya," malungkot na sabi niya tapos nakita kong tumulo ang luha niya. 

Napasapo tuloy ako sa noo ko. Parang nilalagare ang puso ko tuwing umiiyak si Rance. Malaki ang age gap namin kaya para sa akin napaka-precious niya. Tinabihan ko siya sa kama at humiga sa kanya paharap.

"Rance, narinig mo yung sabi ni Mama kanina? Yung magpapakasal na raw sila ni Tito Anton?" I carefully asked.

Tumango siya tapos tuloy-tuloy na yung pagtulo ng mga luha niya. Ugh, naiiyak din tuloy ako. "Anong reaksyon mo? Payag ka ba?"

Kumagat siya sa labi niya, tila pinipigilan ang paghikbi niya.

"Payag ka bang maging new daddy si Tito Anton?"

Nagpout siya, tapos yumakap sa bewang ko. Nag-iinit na rin tuloy ang sulok ng mga mata ko. "Ate, paano na si Papa?"

"Si Papa?" Nanginginig na ang mga labi ko pero kinontrol ko. "Papa pa rin natin siya pero ang lagi na nating makakasama ay si Tito Anton. Gagawin niya yung dapat na ginagawa ni Papa sa atin."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon