[50] Whatta Night
Chelsea's POV
From: Metch
Break na kami ng stepbro mo. ._.
"Ano?!" naibulalas ko nalang nang mabasa ko yung sms ni Metch sa akin. Bumangon ako sa kama at pinaulit-ulit na binasa 'yung text ni Metch. Nagbabakasakali na nagbibiro lang siya o namalikmata lang ako, pero hindi e. Totoo yung text niya.
Pailing-iling tuloy ako ng ulo habang nagtatype ng reply sa kanya.
To: Metch
Anong nangyari? Ba't ang bilis?
Parang kanina lang ay namomroblema si Metch tungkol dun sa dalawang lalaking naghahabol sa kanya, literally and figuratively, tapos dumagdag pa si Wayne. Kung kailan naman kailangan siya ng bestfriend ko, saka pa siya nang-iwan. Tsk.
Ilang minuto lang nung magreply na ulit si Metch. Alas-otso na ng gabi at tapos na kami mag-dinner at gumawa ng homeworks kaya wala na akong ginagawa. Pa-surf-surf lang ako sa internet sa phone ko nang ma-receive ko ang text ni Metch tungkol dito.
From: Metch
Basta, nakipag-break lang sa siya sa akin. 'Yaan mo na. Nagegets ko naman siya kung ba't niya yun ginawa. :( Pero Chels, ang saya talaga nung stepbro mo. He left me when I needed him the most. Charot.
"Ito talagang babaeng 'to. Hindi ko alam kung nagbibiro ba o seryoso." Tsk tsk. Siguro naman upset siya ngayon. Hindi lang pa-obvious. Ganyan naman siya e. Pero napaisip ako sa sinabi ni Metch. Binasa ko nga ng paulit ulit yung second sentence ng sms niya. Nagegets niya kung bakit niya yun ginawa?
I composed another sms for her.
To: Metch
Buti ka pa nagets mo. Ako kasi, hindi e. Bigla-bigla nalang siya nang-iiwan. Paano ka na ngayon nyan? Dapat kasi di niyo na 'to tinuloy kung mang-iiwan nalang siya sa ere ng ganun-ganun lang.
I blew some hairstrands that fell on my face. Pati tuloy ako ay nai-stress kay Wayne. Sabi na e, hindi magandang ideya na naging sila. At. . . at. . . hindi rin namang magandang ideya na ginamit lang ni Wayne ang bestfriend ko.
From: Metch
Ginawa niya lang naman 'to hindi lang para sa akin kundi na rin para sa sarili niya. Binasted mo kaya siya. Ganda mo e. :)))
Parang may kung anong sumuntok sa puso ko sa binasa ko. Alam ko naman kasi yun e. Hindi ako ganun ka-stupid para hindi iyon maintindihan. Aware naman ako sa feelings ni Wayne para sa akin. Itinatanggi ko lang sa sarili ko dahil ayoko ng conflict. Hindi lang conflict para sa aming dalawa kundi pati sa pamilya namin.
Hindi ko alam kung gaano katagal ako nun nakatulala sa huling sms ni Metch sa akin para magtext ulit siya sa akin.
From: Metch
Pero Chels, don't worry about me. I'm fine, really. Tama naman talaga yung ginawa ni Wayne. No hard feelings. :)
I messed my hair in frustration. Tama ngang itigil na nila ito pero hindi naman sana ngayon pa kung kailan kailangan ng tulong ni Metch. Kung mang-iiwan siya, dapat tinulungan muna niya ang bestfriend ko. "Wala pala siyang isang salita e," bulong ko sa sarili at lumabas na ng kwarto ko. Automatikong napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Wayne. Sarado ito. Lumapit ako para sana kumatok nang may magsalita sa kaliwa ko.
"Ma'am, si Sir Wayne po ba?" yung isa sa mga maid pala namin. Tumango ako sa kanya. "Nasa garden po," sabi niya at nagpasintabi sa akin. Mukhang lilinisin niya ang kwarto ni Wayne dahil may dala siyang mop at balde.
![](https://img.wattpad.com/cover/29837081-288-k419747.jpg)
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...