[33] Girlfriend

74.1K 2.6K 372
                                    

[33] Girlfriend


Metch's POV


"G-girlfriend?" Naguguluhang tanong ni Sheen. Miski ako naguguluhan din at syempre nabigla na rin. Shucks, ano ba naman 'tong trip ni Wayne?

"Oo, girlfriend ko na siya." Inakbayan ako ni Wayne at ramdam ko yung panginginig ng mga tuhod ko sa gesture niyang iyon. GIRLFRIEND?

Naalala ko tuloy bigla si Chelsea kaya palihim ko siyang tinignan. Nakatingin lang siya kay Wayne at hindi ko mabasa ang reaksyon sa mukha niya.

"Kailan pa?" tanong ni Sheen na nakatingin sa akin.

Ibubuka ko pa sana ang bibig ko para magsalita, kahit na hindi ko alam ang isasagot ko, pero bigla nalang hinigpitan ni Wayne ang pagkaakbay niya sa akin. "Last Friday," he answered and I gulped. What the? Pinagsasasabi nito?

Sheen stared at me pointedly. As much as I wanted to fight his stares, I just can't. Not now, though. Gulong-gulo lang ang isip ko.

"Kaya Sheen, kung pwede lang, respeto sa amin... at sa akin. Ayokong kinukulit mo si Metch. Iba na kasi noon at iba na rin ngayon," he paused and looked to me meaningfully. "Girlfriend ko na siya."

Lumunok ako. Natutuyuan ako ng lalamunan. pati ang mga balahibo sa batok ko nagtitindigan.

"So... excuse us. Mauna na kami sa'yo," sabi pa nito at tinangay na ako paalis dun. Buti nalang ay dala ko na ang bag ko kundi epic ang pag-wo-walk out namin. "'Wag kang lilingon."

"Ano bang ginawa mo?" I hissed at him, still walking away. Thanks gods, kasi hindi naisipan ni Sheen na sundan kami. Wait, what? Bakit niya naman ako susundan diba? Ang kapal ko naman.

I was spacing out, thinking of things that happened back there when I noticed that we're on the parking lot already. Siniko ko si Wayne kaya napabitaw na siya sa akin.

"What was that?!"

"Sshh..." He shushed me and opened the passenger's side of the car beside me. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay nalang. Dang! Nawiwindang ako. Sumasakit ang ulo ko sa stress.

He started driving away. Ako naman ay nakasapo lang sa ulo ko. "Wayne, hindi mo dapat ginawa yun!"

"Kung hindi ko ginawa yun, hindi ka nya titigilan," seryosong sabi niya. Napansin kong huminto ang kotse. Na-stuck pala kami sa traffic.

"Kahit na. Nagpanggap kang boyfriend ko, eh nasa iisang campus lang tayo. Let's say, nailusot mo ako kanina sa kanya. Eh pa'no sa ibang araw? Hindi ka nag-iisip!"

Bumuga siya sa hangin at padabog na sumandal sa seat. Edi ngayon stressed din siya. Psh.

"Edi panindigan natin!"

Napasinghap nalang ako sa sinabi niya. Hindi, hindi pala sinabi. Tumaas din kasi yung tono ng pananalita niya. "Anong paninindigan?"

"Totohanin natin. Girlfriend na kita simula ngayon..."

Napapikit nalang tuloy ako. Hindi ko na sana sinabi sa kanila ang tungkol kay Sheen. Pati tuloy si Wayne nadamay ko pa. "Wayne, hindi pwede. Paano si Chelsea?"

Hindi agad siya nakasagot. Nakatitig lang siya sa harapan kung saan hindi umuusad ang mga sasakyan katulad din ng lovelife namin na hindi umuusad. Love truly sucks.

"Wala kaming pag-asa."

"Pag-asa? Kayo lang naman ang nagsasabi nyan," sermon ko sa kanya. Hindi ko alam kung naduduwag lang ba si Wayne o sadyang nirerespeto niya lang talaga ang pamilya niya. Ganun pa man, hindi rin naman sila blood related so why not? "Mahal mo si Chelsea. Si Chelsea naman kahit hindi niya naman inamin sa akin, halata namang gusto ka rin niya. Tapos ikaw naman 'tong nagsusumiksik sa akin. Eh hindi mo naman talaga ako gusto."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon