[38] Slap
Chelsea's POV
Ang bilis umusad ng araw. Medyo bumibilis na rin ang usad sa University. Sunod-sunod na quizzes na ang nagaganap. Hindi lang yun. Medyo bumibilis na rin ang usad ng listahan ni Wayne. 6th, 7th and 8th were all failed. Kanya-kanyang dahilan.
Si 6th guy which is Scott, hindi ko gusto dahil bukod sa na-late sa blind date namin, nagmamadali rin siyang umuwi. Mukhang hindi interesado sa akin.
Si Sam naman na 7th guy (na na-meet ko the next day after I met Scott), hindi palasalita. Sobrang hinhin niya. And then I found out, anak pala siya ng isang Pastor kaya siya concervative.
The 8th guy I met yesterday was Paolo. Okay naman siya kaso medyo may pagkaalanganin. If you know what I mean. . . May pilantik e.
They were all good-looking indeed. In fact, halos lahat ng napiling lalaki ni Wayne at ng friend niyang si Jake (raw!) ay tipong mala-modelo. Ewan ko nga ba kung ba't puro palpak. Kung dati nga ay na-a-upset ako sa tuwing failed ang blind dates ko, ngayon ay itinatawa ko nalang. Nasanay na ako, ika nga.
Halos two weeks na rin yung nakalipas nang bumalik sila Mama at Tito Anton. So far so good. Medyo naiilang pa rin ako pero sinasanay ko na rin ang sarili ko sa buhay namin ngayon.
Sa katunayan, kasama ko si Mama ngayon na maghanda ng breakfast. Napaaga kasi ang paghahanda ko para umalis, kaya naisip kong tumulong muna ako kay Mama dito sa kusina.
"Baka madumihan ang uniform mo, Chels. Dyan ka nalang," sabi ni Mama kaya naupo nalang ako sa high stools at pinagmasdan siyang magluto roon.
Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maalala yung panahong kasama pa namin si Papa. They used to help each other in the kitchen whenever there's free time. Nakakamiss tuloy si Papa. Wala na siyang paramdam.
"Ma. . ." tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya saglit habang naghahalo roon. "Almost three months nang walang paramdam si Papa. Kamusta na kaya siya?"
Tinakpan muna niya ang pan bago niya ako hinarap. "Chelsea, puwede bang 'wag na muna natin siyang pag-usapan?"
Natigilan ako. Masama na bang pag-usapan si Papa ngayong may asawa na siyang bago?
"Ma, nag-aalala lang naman po ako. Usually, nag-uusap kami every other night pero ngayon---"
"Chelsea, please."
I sighed in surrender. Whatever's going on between them, I must find it out. . . or kung meron ba talaga. Siguro ay mas gusto lang ni Mama na magfocus sa bago niyang buhay.
Hindi na ako umimik pagkatapos nun. This is the reason why I wanted to just stay at my room than to mingle with them. Gusto kong sanayin ang sarili kong kasama sila pero nasasaktan pa rin ako para kay Papa.
Napansin yata ni Mama ang pananahimik ko kaya humarap siya sa akin nang nakangiti. "Chelsea, how's school pala? Ga-graduate ka na this sem diba?"
I am an irregular fourth year student dahil may ilang subjects ako from my past university na hindi na-credit ng E.H.U nang magtransfer ako sa kanila. May tinatapos lang akong ilang subjects kaya Octoberian ako. . . hopefully. Sana hindi na magkaproblema sa acads ko this sem.
"Ayos naman po, Ma," sabay matipid na ngiti.
"Good. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo huh? Kapag grumaduate ka na, may gift kami sayo ni Anton."
Napaayos tuloy ako ng upo. Gift? "'Wag na po, Ma. Thanks nalang."
"Napag-usapan na namin ni Anton ang tungkol sa bagay na 'yon. Sana sabay kayo maka-graduate ni Wayne."

BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...