Epilogue
I wish life had a rewind button...
May mga pangyayari kasi sa buhay ko sa nakaraan na gusto kong mabalikan— para maitama ang mga mali at masabi ang mga dapat sana'y nasabi. But I know that that's impossible to happen because in reality, you can never turn back time. Ika nga, what's done is done. Tama nga ang kasabihan na nasa huli ang pagsisi... at panghihinayang.
Isang linggo na rin akong nandito sa Maynila. Pagkahatid ko kay Rance dito ay nakumbinsi ako ni Mama na mamalagi muna dito pansamantala sa bahay nila. Wala na rin namang dahilan para hindi ko siya pagbigyan. Besides, we're okay now and Jacob also insisted that I needed a break from work. Idagdag na rin yung pangungulit nina Metch at Sheen na manatili muna dahil maglilibang pa raw kami dito sa Maynila.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na pinagmamasdan ang mga baby pictures ko kasama ang mga kinalakihan kong mga magulang. Sa dami ng naka-compile sa photo albums na naiwang nakatago sa closet ko ay nalibang na ako't hindi na napansin ang oras. Kahit wala akong masyadong maalala sa childhood ko, nananatili pa rin sa puso ko ang saya habang pinagmamasdan ang mga litrato. Just by looking at our photos when I was still a kid, my heart couldn't help but still feel the desire to hug Papa right now dahil halos karamihan sa mga litrato ay siya ang kasama ko. I miss him so much...
Then, my smile slowly faded from my face when suddenly, I realized something. Kinuha ko ang limang litratong itinago ko sa aking bag at pinagmasdan din iyon kasama ang mga litrato namin nina Papa't Mama. Napabuntong hininga ako... sa panghihinayang na sana'y katulad nina Papa't Mama ay higit pa sa limang litrato ang meron ako kasama ang mga tunay kong mga magulang.
I know that they love me, that's for sure. Base palang sa mga litrato kong kasama sila ay ramdam ko ang kanilang kasiyahan at pagmamahal para sa akin. Muli akong napahinga nang malalim. Bigla na namang bumigat ang pakiramdam ko. Mahirap man pero kailangan kong tanggapin na matagal na silang wala...
"Mama, Papa..." bulong ko nang may munting ngiti sa mga labi habang nakatitig sa mga litrato. "Hindi man tayo nagkasama nang matagal, gusto ko pa rin pong magpasalamat sa saglit na panahong pag-aaruga't pagmamahal niyo sa akin."
I pulled out a deep breath and slowly traced my finger on the photos. Para akong unti-unting nabubunutan ng tinik sa dibdib...
"Gusto ko rin pong magpasalamat dahil of all people, kina Papa Erwin— uhm, na tito ko pala at Mama Belinda niyo po ako pinaubaya. Napakaswerte ko pa rin po. Alam niyo po, hindi nila ako pinabayaan. Kahit kailan hindi nila ako tinuring na iba sa kanila. Inaamin ko po, minsan may mga misunderstandings kami pero kahit kailan, hindi nabago nun ang pagmamahal ko sa kanila."
At naramdaman ko ring ganun din sila sa akin...
"Ma, Pa, huwag po sana kayong magtatampo sa akin, ha?" I said as I let out a soft chuckle. My voice cracked. "Parehas ko po kayong mahal. I may not have been with you enough to know everything about you but it doesn't matter. What matters is that you helped me connect my life's dots."
I breathed deeply and then hugged the photos to my chest as I laid myself on bed, with the photos and albums around me. For some reason, I felt a fine serenity and calmness in me after a week long grief.
Okay na rin naman ako. Pinipilit kong maging matatag. Unti-unti ko nang natatanggap ang pagkamatay ni Papa pero inaamin ko na may isa pang bumabagabag sa isip ko. Kailan ba ako muling sasaya?
"Alam ko pong nandyan lang kayo sa paligid kasama si Papa Erwin para gabayan ako. Tulungan niyo po akong maging matatag sa panibagong buhay na kahaharapin ko," I whispered as I closed my eyes, letting the serenity take over me.
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...