Yhel's note: Sorry for the typos. Hindi ko na na-proofread dahil unholy hour na (time check: 12:35 am). Sorry din sa slow update. Dami kong pinagkakaabalahan sa buhay bilang Business Management student. Salamat sa mga nakakaintindi. Much love. :)
[89.2] Guilt and Selfishness
Chelsea's POV
Sobrang sakit...
Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang pagkamatay ng ama ko. Hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa utak ko ang nangyari. Hindi ako makapaniwalang wala na siya. Sobrang bilis na hindi ko man lang namalayan. Parang nung isang araw lang ay mahigpit ang yakap niya sa akin ngunit ngayon ay wala na siya. Iniwan niya na ako. Sana panaginip lang ang lahat ng ito at mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa paggising ko.
Pero sino nga ba ang niloko ko? Everything is real. It's been five days since he passed away at ngayon ay nahatid na namin si Papa sa kanyang huling hantungan.
Marami ang nagulat sa biglaang pagkamatay ni Papa. Marami rin ang nakaramay sa amin from different walks of life; mga businessmen at empleyado sa hotel, pati na rin ang ilan sa mga kaibigan at kamag-anak namin na halos hindi ko na kilala. Tito Edgar also decided to stop the hotel's operation for a week to give respect for Papa's burial. Even my Mom and Rance came but I didn't care...
For the past five days of Papa's wake, I've been silent. Para akong nawala sa sarili. It's as if there's missing a big part of my life. Sobrang sakit... Hindi ko matanggap na iniwan na ako ni Papa nang walang paalam. Masakit dahil biglaan.
Unti-unti nang nagpapaalam ang lahat ng nakipaglibing kay Papa ngunit ako ito't nanatili pa rin sa harap ng puntod niya at ayaw siyang iwanan. Hindi ko pa kaya...
"Ate..." Amidst my agony, a little voice called me from behind. Hindi ko pa man siya nililingon ay tumabi na siya sa akin at kumapit sa kaliwang kamay ko. I could feel her warm hand shaking against mine. "Ate Chelsea..." Si Rance.
Kusang tumulo ang mga nagbabadyang luha mula sa mga mata ko nang marinig ang paghikbi niya. Lumunok ako't binalingan siya ng tingin habang nakatulala sa puntod ni Papa. Eversince Mama and Rance arrived in Bohol to condole Papa's death, I never talked nor approached them. Miski sina Metch at Sheen ay ni paglapit sa akin ay hindi nila magawa. I kept myself aloof from everyone because I might break down if someone would try to comfort me.
"Kahit hindi ko masyadong nakasama si Papa, mamimiss ko pa rin siya, Ate."
Inakbayan ko siya ng mahigpit at hinaplos ang kanyang mahabang buhok. Mas lalong kumirot ang puso ko sa ideyang hindi nabigyan ng pagkakataon na makasama ni Rance si Papa ng mahabang panahon. Kung masakit sa akin ay marahil mas masakit sa kanya ang pangyayari...
"I-I am sure that P-papa will be always there to guide us ngayong wala na siya, Rance. M-masakit man p-pero kailangan nating t...tanggapin." It was hard for me to say the words myself.
Mas lalo lang lumakas ang paghagulhol ni Rance kaya't lumuhod na ako para yakapin siya ng mahigpit. I know how hard it is for my little sister. Halos pitong taon na rin nang huli niyang makasama si Papa. Hindi namin inakalang ang susunod na pagkakataong makikita niya si Papa ay sa ganitong sitwasyon pa.
"Sshh..." I shushed her with my trembling voice as I caressed her back. "Rance," my voice cracked as I let out a sob. "K-Kakayanin natin 'to, okay?"
She continued to hold onto me, sobs wracking her body. "Ate Chels?"
"Hmm?"
"M-mahal din po ba ako ni Papa?"
As soon as I heard her question, I pulled away from the hug, cupped her face and looked straight into her eyes. "Mahal ka ni Papa, Rance. Mahal na mahal..."
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...