[65] After Finals
Chelsea's POV
Nagawa kong magfocus sa final exams kahit na hindi maalis sa isip ko ang sinabi sa akin ni Wayne na ipapakilala niya na ako sa mga kabarkada niya. Ngunit lumipas ang linggong ito nang walang nangyayaring ganu'n. Ni hindi na nga kami gaanong nagsasama these past few days. He must have been too focused on his finals. Dapat lang, ano. This is our last semester so we have to strive the hardest.
Mabuti nalang nakaraos na kami sa hell week. Thursday na at natapos ko na ang huling exam sa semestreng ito kanina. Umuwi agad ako ng maaga para magpahinga. Nakatulog ako pero nagising din agad nang biglang tumunog ang phone ko. I was expecting it might be Wayne but it wasn't him. Si Sheen pala.
From: Sheen
Chels, nasabi ko na kay Wayne ang tungkol sa bday ko. Siguradong nasabi na rin niyasa'yo. Bukas ang alis natin. See you. :)
Napasapo ako sa noo nang biglang mag-sink in sa akin na bukas na pala ang alis namin. Shucks! Wala pa akong nabibiling regalo. Masyado kasi akong pre-occupied nitong mga nakaraang araw. Nawala sa isip ko.
Nagreply lang ako ng 'okay, see you :)' kay Sheen at mabilis na tinext naman si Wayne. For sure, baka nakalimutan din niya ang tungkol sa birthday ni Sheen. Nakakahiya naman kung pupunta kaming walang regalo para sa kanya.
To: Wayne
Wayne, bili tayo gift for Sheen. Bukas na ang alis natin e just to remind you.
Mabilis akong nagpalit ng damit at nag-ayos ng sarili. Nag-jeans, shirt at sneakers lang ako. Nagring bigla ang phone ko kaya habang nagsusuklay ay sinagot ko kaagad iyon.
"Hello," aniya sa kabilang linya. "Sunduin kita sa bahay, Chels?"
"Nasa campus ka pa?"
"Yeah. Sorry, Chels. Late reply. Kakatapos lang ng exam ko. Heto nga't palabas palang ako ng building namin," malambing sabi niya kung kaya't hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti.
"Hmm, okay lang. Hindi naman gaanong late e."
"Susunduin na kita."
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Naghanda na rin ako para lumabas ng kwarto. "'Wag na, Wayne. Nandito si mama. Baka maghinala na naman 'yon. Kita nalang tayo sa M Mall."
"Okay. See you later, Chels. Pahatid ka nalang sa driver." Ibababa ko na sana ang tawag pero narinig ko pa siyang tumikhim. "I miss you. . ."
Mas lalo akong napangiti. Napakagat nalang ako sa ibaba kong labi. Parang kinikiliti ang sikmura ko pagkarinig sa malambing niyang boses. "Ano ka ba. . . Araw-araw naman tayong nagkikita."
"Kaya nga pero halos three and a half days, 8 hours, 15 minutes and 24 seconds na tayong 'di nakakapag usap ng maayos. Busy kasi sa finals e. Hindi mo ba ako namiss?"
Natawa nalang ako dahil wala akong maisagot. Bigla nalang kasing nag init ang buong mukha ko. Exaggerated naman ang timer niya!
"Tawa-tawa ka dyan. I miss you too lang, pinagdadamot pa sa akin," at ayan na naman ang usual tone niya tuwing nagtatampo siya.
Napailing nalang ako sa sarili bago ko pinihit pabukas ang pinto. "Oo na. I miss you too. Sige na, paalis na ako," natatawa kong sagot bago ko binaba ang tawag.
Kung hindi ko pa kasi iyon ibababa ay baka mag usap lang kami hanggang sa magkita kami sa mall. Knowing Wayne? Hindi siya nauubusan ng sinasabi. 'Di bale na. Babawi nalang ako sa kanya mamaya.

BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...