[41] June 22
Chelsea's POV
Tinatanong pa ba yun? Syempre si Metch. Ewan ko nga ba kay Wayne kung ba't mas inaasikaso niya ako kaysa sa girlfriend niya. Given the fact na aware na ako sa feelings ni Wayne para sa akin --- syempre, hindi ko naman yun dinidisregard lalo na't umamin na siya sa akin noon --- they still should at least, value their relationship. Pumasok sila sa isang relasyon at dapat panindigan nila yun.
Pero sa nangyayari ngayon? Hayyy. . . Ewan ko nalang.
Ang gulo naman. Basta ako, bukod sa pag-aaral, ang focus ko ay nasa blind dates ko nalang whereas tatlo nalang sa listahan ang natitira.
"So, hindi sumipot si Sky kahapon?" tanong ni Metch sa akin. Nagdidiscuss si prof sa harapan pero heto kami't nagkukwentuhan lang.
"Oo," I answered with a chuckle and she just gave me a shocked expresion. "Anong nakakagulat dun? Magtaka kung naging successful ang date ko which never happens so far."
Napailing lang siya ng ulo at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Yung totoo, Chelsea? May balat ka ba sa you know where?"
"Uy, wala ah." Alam ko naman yung tinutukoy niyang body part ko and honestly speaking, wala akong balat dun kahit na malas ako sa lovelife.
"E ba't hindi ka sinuswerte? Imagine, 13 guys ang nakalatag para sayo at mula 1st hanggang 10th, puro palpak. Yung totoo?"
Nagkibit-balikat nalang ako habang kunwari ay umakto akong nakikinig sa prof. Hindi lang naman kami yung nagpapasaway ng ganito, yung ilan sa mga kaklase namin ay natutulog o 'di kaya'y nagbubutingting ng cellphone. Wala namang pakielam si Prof e.
"Don't give up, ika nga ni Wayne. May tatlo pang natitira sa listahan," nakangiting sabi ko.
Ngumiwi lang siya at tinignan ako nang nakakaloko na para bang sinasabing 'push mo yan'. "Ay, oo nga pala. Anong ganap sa inyo ni Uno kahapon? Ba't... Bakit bigla ka nalang niyang hinatak? Hinanap ka sa akin ni Wayne kahapon e."
Naalala ko na naman tuloy yung sinabi sa akin ni Wayne kahapon. Hindi ko alam pero napapangiti nalang ako sa sarili. Bahala raw silang dalawa ni Metch at Uno at si Wayne naman ang bahala sa akin?
Baliw talaga.
"Uy, pangiti-ngiti ka dyan? Naku, Chels. 'Wag si Uno, please. Mag-proceed ka na sa 11th guy. Basta 'wag si Uno. Yung mga ganung aura, alam ko nang chick---"
"Gusto ka raw niya."
Nahinto tuloy siya sa sunod-sunod na pagsasalita niya. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya at ayun, namumula ang buong mukha. "Ang lakas talaga ng trip nung bakulaw na yun," she whispered in gritted teeth. Natawa tuloy ako nang mahina.
"Ang haba ng hair mo, Metch. Mula yata Luzon hanggang Mindanao," pang-aasar ko sa kanya.
Nag-roll eyes naman siya at parang umaktong nandiri sa sinabi ko. "Please lang, Chelsea. I-exclude mo 'yang baliw na 'yan."
Magsasalita pa sana ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko. I received an sms from Wayne.
From: Wayne
Chels, dinner tonight?
Dinner? Anong meron at nagyaya siyang mag-dinner? Palagi naman kaming sabay kumain sa bahay kasama ang pamilya namin. Napailing nalang tuloy ng ulo at akmang magtatype na ng reply nang sikuhin ako ni Metch. . . na mangyaring nakikibasa rin pala ng text.
"Ayieee. . . Dinner date?"
I threw at her my confused look. "Diba dapat ikaw ang niyaya nito?" Kaso hindi naman 'to wrong sent kasi may 'Chels' sa umpisa ng message.
![](https://img.wattpad.com/cover/29837081-288-k419747.jpg)
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...