[66] What A Jerk

70K 2.3K 443
                                    

[66] What A Jerk


Metch's POV


From: Sheen

Be ready. Sunduin kita by 3pm. See you, Metch. :)


Napressure tuloy ako kung anong ireregalo ko kay Sheen lalo na nang mabasa ko ang text niya. Kasalukuyan akong nasa department store ng mall pero wala akong mapiling pwedeng iregalo sa kanya. By 3pm ay susunduin niya na ako. Quarter to 1 na ngayon pero wala pa akong nabibili. Kamusta naman 'yon?

Hindi pa naman ako maalam sa pagreregalo sa lalaki. Huhu. Ano nang gagawin ko?

"Mitch?!"

Instinctively, lumingon ako kahit na hindi ko pangalan ang tinawag. Medyo pamilyar kasi ang boses at napangiwi nalang ako nang makita ko si Roxanne na may hawak na dress. Bakit ba lagi nalang pinagkukrus ang landas naming dalawa?

"Oh, Roxanne. What a coincidence. . ." Natawa nalang ako ng hilaw.

Lumapit siya sa akin para ibeso ako. Nakakainis naman ang height niya. Nakakaintimidate. "Nandito ka pala. Nagshoshopping ka rin?" tanong niya sa akin.

"Ay, hindi. Bibili ako ng gift para sa kaibigan ko. Actually, medyo nagmamadali nga ako e."

"May napili ka na ba?"

Umiling ako. Isinampay niya ang hawak niyang dress sa isang sampayan dun kahit na halatang hindi naman iyon talaga nakalagay du'n. "Gusto mo samahan kita? Magaling ako sa gifts."

Nakakainis man pero tingin ko ay kailangan ko ng tulong niya. Wala na talaga akong ibang choice. I am hopeless.

"Talaga? Thank you. Kanina pa nga ako namomroblema. Hindi kasi ako magaling sa ganito."

Kumapit siya sa braso ko at nagsimula na kaming maglakad. Mukhang nagsisimula na siyang maghanap sa mga madadaanan naming damit.

"Ano bang personality ng reregaluhan mo?"

"Hmm. . . basta typical lang. Masayahin. Tingin ko naman, hindi siya mapili sa gamit."

Tumango tango siya tapos kumuha ng isang pambabaeng t-shirt sabay harap sa akin. "Ito kaya, Mitch?"

Ngumiwi ako. Kailan ba matatapos ang Mitch na yan? Huhu. Pero teka. . . "Naku, lalaki ang reregaluhan ko, Roxanne."

Nagmamadali niyang binalik ang damit sa pagkakasabit. "'Di mo naman sinabi agad." Humalakhak siya. "Boyfriend mo?"

Mabilis ang pag-iling ko ng ulo. "Hindi! Kaibigan ko lang."

"Weh? Kaibigan lang pero parang problemado ka na sa paghahanap ng regalo?"

Napasimangot nalang ako habang sinusundan siyang maglakad. Hindi ba pwedeng mamroblema sa paghahanap ng regalo para lang sa kaibigan? Etchoserang frog 'to!

"Aha!" Bigla siyang humarap sa akin kaya mabilis kong binura ang pagsimangot ko. "Alam mo, ang mga boys, mahilig sila sa iisang bagay."

"Ano?"

Ngumiti siya at muling kumapit sa braso ko. "Sapatos!"

Gusto kong pigilan siya nang dalhin niya ako sa 3rd floor kung saan ang male shoes section. Bumitaw sa akin si Roxanne at kumuha ng isa sa mga nakadisplay na sapatos. What the? 'Di ba kapag nakadisplay, kung hindi sale ay mahal?

"Ito o! Ganda, 'di ba?"

Tumikhim ako at pinakatitigan ang sapatos which is maganda talaga. "Magkano?

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon