[51] Seryosong Usapan

80.7K 2.6K 479
                                    

[51] Seryosong Usapan

Chelsea's POV

"ANO? Kayo na. . . raw?!" hindi makapaniwalang tanong ni Metch sa akin. May klase kanina pero free cut daw dahil natapos na ang reporting. Sumama sa akin si Metch sa pag-uwi dahil may ikukwento raw siya sa akin but we ended up talking about Wayne anyway. At dahil dun, naikuwento ko yung nangyari kagabi.

"Oo, siya yung nag-declare nun. Pero syempre, hindi naman

pwede yun." Bumuntong-hininga ako. Hindi naman kasi talaga pwede yung gusto niya. Given the fact na nagkakagustuhan nga kami, hindi naman pwedeng ganun-ganun nalang yun. Ayoko. Masyadong kumplikado.

Nagkibit-balikat lang si Metch habang magkatabi kaming nakasandal sa headboard ng kama ko. This is considered to be our alone time together. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkakasama ng ganito. Nakakamiss din pala.

"Kaya siguro siya nakipagbreak sa'yo dahil dito." I know she would understand what I am trying to say.

Ngumiti siya sa akin na may kasamang pagtulak pa sa braso ko ng bahagya. "Manhid ka ba o ano? Hello! Obvious naman e. So, anong balak mo n'yan?"

Kumunot ang noo ko. "Balak saan?"

"Sa kanya. Sa inyo. Kayo na raw e," sabay ngiti niya nang mapanukso.

Napatitig nalang ako sa kawalan. It was like Metch and I are on the same boat. Pinipigilan namin ang mga taong gustong lumapit sa amin pero sila itong nagpupumilit pa. Ang hirap nga talaga ng ganitong sitwasyon. Kahit gusto kong lumayo, hindi ko magawa. Masyado nang maliit ang mundong ginagalawan namin.

"Huy, ano nang balak mo?" tanong niya. Hindi ulit ako sumagot. Wala naman kasi talaga akong balak. "Why don't you just accept him? Try mo lang."

Sinimangutan ko siya. "Hindi pwede yun, Metch. As much as possible, hindi ko pwedeng pasukin yung alam kong sa umpisa pa lang ay kumplikado na. Umiiwas lang ako sa gulo." Ngayon pa lang, iniisip ko na sina Mama at Tito Anton. For sure, hindi nila magugustuhan kung ipagpapatuloy pa namin ito.

"Kunsabagay, edi break agad?" she asked anxiously and I just shot her the look. Anong break ang pinagsasabi niya? "De joke. Basted pala. E sabi niya, kayo na e, edi ibreak mo na lang," sabay tawa niya.

We talked for hours about some stuff; studies, kung saan namin gustong mag-OJT sa 2nd sem, and more importantly yung isiningit na topic ni Metch ngayon-ngayon lang tungkol kay Sheen.

"Wow ha! Talagang nagpaalam siya sa Mama mo kagabi?" I asked in amazement. Sa totoo lang, kilala ko si Sheen na magalang at kilala ko rin ang Mama ni Metch na sobrang strikto. I can't imagine how that happened last night.

Metch rolled her eyes inwardly. "Oo, kapal ng muks diba? Parang hindi ko naman siya pinaalalahanan na ayaw ni Mama sa ligaw-ligaw na 'yan. Jusme, sumakit talaga ang ulo ko sa kanya kagabi."

Natawa nalang ako ng mahina. This is getting more interesting. "So, anong sabi ng Mama mo? Pumayag ba?"

Kinusot niya ang noo niya sa frustration. "Yun na nga e. Pumayag si Mama!"

"Seryoso?"

"Oo! I can't believe her. Pumayag siya ng ganun-ganun nalang."

Napapalakpak ako't natawa nalang sa sinabi niya. Sheez! Hindi rin ako makapaniwalang pinayagan ng Mama niya na manligaw sa kanya si Sheen. Despite her strictness? Well, maybe it's all about how the guy approached her. Dapat siguro ay kagalang-galang at disente.

"Pwede ka na palang ligawan e! Yiieee. Si Metch, may legal suitor na."

Nangingiti siya pero pinipigilan niya rin. Nilalabanan niya ang ngiti at sumisimangot. Hindi lang pala ako ang in denial sa aming dalawa, siya rin pala. "Sira! Ligaw lang daw. Saka ko nalang sabihin ang desisyon ko kapag graduate na ako. Yun lang naman ang gusto ni Mama. College Diploma muna bago love life. Pak ganern!"

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon