[60] Superman
Chelsea's POV
I feel so guilty right now. Ang kapatid pala niya ang dahilan kung bakit siya inumaga ng uwi kanina. Just look at the brighter side. Pwede namang hindi siya umuwi sa bahay at manatili nalang sa tabi ng kapatid niya pero mas pinili niya pa ring umuwi para tumulong sa project ni Rance. Naku naman, Chels. Why were you so sensitive?
"Anong nangyari kay Zion? May problema ba siya?" Hindi ako mapalagay kaya naitanong ko iyon habang nagda-drive siya pauwi habang ako ay kanina pang walang imik.
Sumulyap siya sa akin bago ngumiti ng may laman. "Tumutuwid na si Francisco."
"Talaga?" I gaped broadly at him. He was talking about his younger brother, si France or Paris or whatsoever. Ah, basta! Yung kapatid niyang bakla.
"Oo," he replied proudly. "Ni ayaw na nga niyang tawagin ko siyang Francisco. Gusto niya Zion daw para cool."
"Gusto ko tuloy siyang makita, Wayne."
He just sniggered boyishly. "Saka na, Chels. Sa ngayon, busy siya sa pagporma sa kapatid ni Kurt. Kilala mo naman si Kurt, 'di ba?"
Tumango ako. Of course, I know him. Who wouldn't know about that most popular guy in E.H.U?
"Wow. So, you mean na-in love siya kaya siya naging straight na?"
He shrugged, his face growing warm. "You can say that," he sneered a little. "Mabuti nga't wala ng identity crisis ang kapatid ko na 'yon. Yun nga lang, sabi niya ay itago muna namin iyon sa parents namin. Mukhang hindi pa siya kumportable."
Napangiti nalang ako sa kanya at hindi na umimik pa. Naiinis pa rin ako sa sarili ko sa nangyari kanina. Kung alam ko lang na ang kapatid pala niya ang pinuntahan niya ay hindi dapat ako umakto ng ganun.
Napatingin ako kay Wayne nang marinig ko siyang humikab. I got to stare at his tired eyes as well as those black circles around them. Totoo ngang puyat siya.
"Wayne," I called him in a low voice.
"Hmm. . ."
I put on a pout which he couldn't see dahil nakafocus siya sa kalsada. "Sorry for acting like a childish girlfriend." He glanced at me, his eyes were filled with wonder. "Dapat ay pinakinggan ko muna ang paliwanag mo bago ako nagtampo. Hindi mo rin naman siguro ako masisisi, 'di ba? Nag-alala lang naman ako."
Kahit na nakafocus ang mga mata niya sa kalsada ay nagawa pa rin niyang abutin ang aking kamay sa lap ko.
"Ayos lang 'yon. Natuwa nga ako kasi may nag-alala na inumaga ako ng uwi." Bumitaw siya at ibinalik ang kamay sa clutch. "Kahit si Mama o si Sweety, walang pakielam sa akin kahit hindi ako umuwi sa bahay noon."
Napangiti ako sa pagbanggit sa kanyang favorite pet. "Mahal mo talaga si Sweety, 'no? Siguro kung naging tao lang siya, baka pinormahan mo na rin siya," biro ko.
He shook his head with a smile. "Syempre hindi. Parang anak ko lang kung ituring si Sweety. Speaking of, oo nga pala. Buti pinaalala mo. Hindi ko siya napakain kanina ng almusal."
That cat is really lucky to have Wayne as her owner. . . and me as his girlfriend as well. Patunay lang 'yon na magaling siyang mag-alaga. We may be new as a couple but I still feel that we will last long inspite of our situation. Because he is Mark Wayne Madrigal, a keeper.
"Natahimik ka dyan, hmm?"
Tinignan ko siya. Halatang nagtataka sa biglang pananahimik ko. "Wala lang. May naisip lang ako."
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...