[5] Heart to Heart Talk

133K 4K 574
                                    

***5***

CHELSEA'S POV

Hindi ko alam kung hobby ko na ba talaga ang mawala sa sarili o sadyang nawindang lang talaga ako sa nangyari. Kanina, kausap ko lang si Jacob na parang walang nangyaring break up sa aming dalawa kahapon, tapos biglang sumulpot sa eksena si Wayne at hinila ako palayo kay Jacob. Ano na bang nangyayari ngayon?

"Sira-ulo 'yon ah! Dala-dalawa ang girlfriend? Feeling niya doorknob siya, tapos spare keys kayong girlfriend niya?"

Nabalik tuloy ako sa huwisyo ko nung magsalita si Wayne. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Medyo nahuhuli pa nga ako sa paglalakad kasi hinihila niya ako na para bang maliit na bata lang ako.

"Alam mo, dapat dun binubugbog e. Huwag mong sabihing bibigyan mo pa ng second chance yung kulugo na 'yon?" sabay iling pa niya ng ulo. Hinigpitan niya pa ang kapit sa kamay ko, at hinila ako kung saan. Saan nga ba kami pupunta?

"Wayne--"

Hindi niya ako pinansin. Ni hindi nga niya ako tinitignan. I'm starting to get conscious with his hand on mine. Ni hindi ko na namalayan na nakalabas na kami ng gate ng E.H.U. Humigpit lalo ang kapit niya sa kamay ko nung tumawid kami ng kalsada.

Pumasok kami sa isang street tapos huminto nalang kami sa may tapat ng isang 'di kalakihang restaurant. Walang masyadong tao roon, marahil dahil 'di ganun ka-convenient yung lugar para sa mga E.H.U students. Ngayon ko nga lang nadiscover ang lugar na ito.

"Lunch muna tayo. Nagutom ako," sabi ni Wayne tapos hinila niya ako papasok sa restaurant. May sinenyas siya dun sa isang crew bago kami umakyat sa second floor which is a balcony. Kung 'di ako nagkakamali, kami lang yata yung customers na nandun.

"Dito ako madalas kumain," sabi ni Wayne saka niya ako pinaghila ng upuan. Pumwesto agad ako, at ganun din siya. "Nakakain ka na dito?"

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang isa siyang weird na nilalang. What's up with him? 

"Ba't ganyan ka makatingin dyan?" Sumandal siya sa upuan niya saka siya nagde-kwatro ng paa. 

Naalala ko tuloy yung bigla niyang pagsulpot kanina habang nag-uusap kami ni Jacob. Nahihiwagaan talaga ako sa mga nangyayari. Para bang may nag-set up ng lahat. Kaso paano ko yun malalaman kung biglang sumulpot 'tong si Wayne at walang pasabing nagpakilalang boyfriend ko siya?

"B-bakit mo sinabi kay Jacob na boyfriend kita?" 

"Ah, yun ba?" He leaned forward a little and then grinned like a fool. "Baka nakakalimutan mo, binibini, niloko ka ng Jacob mo."

"Pero may sinabi siya kanina na nawala raw ang phone niya. Feeling ko, na-set up lang kami." Tama. Sa palagay ko, set up lang ang lahat. He said he lost his phone and he did not even have an idea what he said to me yesterday. Ni hindi niya nga alam na break na kami. 

"Oh, talaga?"

"Oo. May ibang nagtext sa akin gamit ang phone niya. Hindi si Jacob ang nagtext sa akin kahapon," mariin na depensa ko.

Ngumisi naman siya at bahagyang tumango-tango. "Siya man ang nagtext o hindi, hindi pa rin maipagkakaila na nakita mo siyang may kasamang iba. At yung iba na 'yon ay ang ex-girlfriend ko na si Krizelle. So, technically speaking, niloko ka pa rin niya."

Napasimangot tuloy ako sa sinabi niya. Naiinis ako dahil may punto siya, pero hindi pa rin ako mapakali. Sino yung nagtext na yun?

"Pero--"

"Sshh na... Kain muna tayo," sabi niya sa akin and as if on cue, dumating na yung dalawang crew dala-dala ang mga pagkaing in-order ni Wayne. "Salamat, mga Miss."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon