[34] Seen

74.3K 2.7K 560
                                    

[34] Seen


Chelsea's POV


"You're not my type..." 

Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko yung sinabi sa akin ni Ram kanina. Hindi ko naman siya masisisi. Hindi ko rin naman siya type dahil napaka-presko niya but what I liked about him is that he's straight-forward. Kahit na sinabi niya ang totoong hindi niya ako type, he still kept me company and even wished me to finally find the right guy for myself.

Not bad for a blind date. Sa katunayan, si Ram palang yung naisip kong tunay na lalaki sa apat na lalaking naka-blind date ko na sa listahan.

"Dyan nalang po sa tabi," sabi ko sa driver ng taxi. Nabigla ako nang makita may nakaupo sa gutter ng harap ng gate namin. Isang lalaki na nakayuko.

Nakumpirma kong si Wayne iyon nang mag-angat siya ng ulo nang makita ang taxing sinasakyan ko. Tumigil kami sa harapan niya kaya nagmamadali siyang tumayo at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat.

"Chelsea."

Hindi ko muna siya pinansin. Inabutan ko muna ng bayad ang driver saka ako lumabas na ng taxi. "Bakit ka nandito sa labas? Gabi na a."

Naglakad na ako papasok, kasunod siya. "Hinihintay kita."

"Ah, ganun ba? Sorry. Ginabi na ako." I tried to crack a smile but his face was very serious.

"Diba sabi ko hintayin mo ako? Ba't sumama ka kay Ram nang wala ako?" His voice wasn't angry at all. Sobrang seryoso lang at nakakatakot siya kapag ganun. Hindi ko nalang iyon pinahalata at nginitian lang ulit siya.

"He's cool. Mabait siya. Wala ka namang dapat ipag-alala. Sige, mauuna na ako sa kwarto ko."

Tuluyan na sana akong aakyat sa hagdanan nang magsalita ulit siya. "Paano kung may ginawa sa'yo yun, Chelsea? Pasalamat nalang ako na mabait siya dahil mukhang ayos ka naman pero sana sa susunod, 'wag ka nang pumunta hangga't wala ako."

Humugot ako nang malalim na hininga bago siya hinarap. Sa totoo lang, kanina pa mabigat ang loob ko pero pilit ko lang iyon tinatanggal sa sistema ko. Bakit pa? Anong rason para sumama ang loob ko?

"Iniwan niyo ako kanina," and there I said it. "Alam ko namang ginawa mo lang yun kay Metch para lumayo na si Sheen sa kanya. Naiintindihan ko 'yon, pero Wayne, iniwan niyo ako."

Minsan, naiinis na rin ako sa nararamdaman ko tuwing nakikita si Wayne. Masyado na rin akong naapektuhan sa kanya simula nang magtapat siya sa akin. Wala naman akong gusto sa kanya pero bakit nakaramdam ako ng inis sa ginawa niya kanina sa harapan ni Sheen?

"Sorry na..." Napakagat siya sa ibabang labi niya. Guilty in charge. Ngumiti nalang ako ng pilit at tumango.

"Okay lang. Hindi naman din nasayang yung niluto ko. Kinain namin ni Ram." Which is true. Nagpunta kami sa pinakamalapit na park at dun namin isinagawa ang date namin. Nagustuhan naman niya kaya kahit papa'no ay natuwa ako.

"Sorry talaga, Chels. Bawi ako?"

Umiling ako at natawa nalang ng mahina. Para siyang aso na sobrang amo. Nawawala tuloy yung inis na nararamdaman ko sa kanya.

"Akyat na ako, Wayne. May gagawin pa ako."

Aakyat na sana ako pero sumabat ulit si Wayne. "Saglit lang." Lumingon naman ako. Gusto ko nang mapag-isa. "Kamusta yung date niyo ni Ram? May chance ba?"

I chuckled awkwardly to his question. Kumunot tuloy ang noo niya marahil sa pagtataka. "Hindi raw niya ako type."

"Gag0 yun a!" Singhal niya.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon