[8] Meet The Family

118K 3.7K 458
                                    

***8***

Isa lang naman yung Thai Restaurant na nandito sa mall na ito at marahil ito na nga siguro yung tinutukoy ni Mama. "Tara na," sabi ko kay Rance at hinila na siya papasok doon.

"Table for two, Ma'am?" tanong nung sumalubong sa aming crew sa entrada ng restaurant.

"We're meeting someone," sabi ko. Nilibot ko ng tingin ang paligid ng restaurant. Walang masyadong tao. Mukha kasing mamahalin ang mga pagkain dito.

"Ayun si Mama oh!" sabi ni Rance habang nakaturo sa bandang kaliwa namin. Pagkatingin ko, tama nga si Rance. Nakaupo roon si Mama kasama si Tito Anton. Mukha silang masaya. Napangiti ako ng mapait. Mukhang hindi big deal kay Mama ang pagwowalk-out namin ni Rance kanina.

"Tara na, Ate Chelsea. Lumapit na po tayo."

Hinila ako ni Rance palapit dun. Napatigil ang kwentuhan nilang dalawa ni Tito Anton. "You came. Maupo kayo," sabi ni Tito Anton at tumayo para ipaghila kami ng upuan, pero hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa kabilang dulo na pwesto.

Nakita ko si Mama na bumuntong-hininga, pero umiwas nalang ako ng tingin at tinawag si Rance. "Rance, dito ka na maupo," sabi ko at tinapik yung upuan sa kanan ko. Dun ko lang napansin na malaki yung lamesang inooccupy namin. Pang pitong tao.

Tumikhim si Tito Anton kaya nakuha niya ang atensyon namin. Dyan naman siya magaling e, ang magnakaw ng atensyon. "I'll just go out for awhile," sabi ni Tito Anton at nilisan na mesa namin.

We were covered with awkward silence when he left. Tumingin sa akin si Mama na may kalungkutang nababakas sa mga mata nito.

"Chelsea..."

My eyes dropped to my lap. I can't take looking at her. Masama pa rin talaga ang loob ko. "Alam kong ayaw mo akong makausap ngayon pero natutuwa ako kasi nagpunta ka pa rin dito."

Hindi ako sumagot samantalang si Rance naman ay kinuha ang bag ko para kunin ang cellphone ko. Mukhang maglalaro yata siya.

"Dahil hindi tayo natuloy sa Batangas kahapon kasi hindi ka nakauwi agad from E.H.U---" Natigilan ako. Hindi sila natuloy? "--- Your Tito Anton and I decided to have a dinner meeting tonight kasama ng mga anak niya."

What? Napataas na ng tuluyan ang isa kong kilay. Talagang desido na si Mama na pag-isahin kaming mga anak nila Tito Anton. Tsk.

"Mama, alam ko pong paulit-ulit ang tanong ko, pero sigurado ka na ba talaga kay Tito Anton? May mga anak ka na, Mama. May mga anak na rin siya. Parang hindi naman po yata tamang--"

"Tamang magpakasal kami?" putol niya sa akin saka ito ngumiti ng malungkot. "Annulled na ako sa Papa niya at annulled na rin siya sa asawa niya. As long as wala kaming natatamaang tao, hindi maling magpakasal kami, Chelsea. Besides, mahal namin ang isa't-isa."

Parang gusto ko tuloy sabihin kay Mama na; 'Oh c'mon, Ma. Walang forever kaya tigilan niyo na po ang kahibangan niyo.' Pero syempre hindi ko ginawa. Nirerespeto ko pa rin naman si Mama.

"Mabait naman si Anton. Bakit ba ayaw niyo sa kanya?" tanong niya sa'kin.

"Hindi naman po sa ayaw. Masyado lang talagang mabilis ang mga pangyayari, Mama." Inaamin ko, in good terms si Tito Anton sa aming dalawa ni Rance noong nalaman naming may relasyon sila ni Mama. May pag-aalangan noong umpisa pero nawala rin yun nung lumipas ang panahon. Now that my Mom announced that she's getting married with him, dun na ako nawindang. Like seriously? Hahabol pa sila?

"Ni hindi ko nga po alam na may anak na si Tito Anton, Mama. Hindi mo po ba naisip na baka hindi niyo makasundo ang mga anak niya? Kami, baka hindi namin sila makasundo."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon