[86.3] Assume

77.1K 2.4K 1.2K
                                    


[86.3] Assume

Chelsea's POV

Ni sa hinagap ko ay hindi ko naisip ang mag-sleep over o mag-overnight sa poder ni Wayne. It's too inappropriate in our situation. Pero dahil sa pagiging mapilit ni Wayne na huwag akong umalis, parang wala na akong ibang choice kundi ang manatili dito kasama siya.

Kasama siya... That idea made me tremble at the crazy pulse of my heartbeat.

"So..." Tumikhim ako para mabasag ang halos isang minutong katahimikan sa pagitan namin. "Saan ako matutulog?" tanong ko.

"Sa kwarto ko."

Natigilan ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natigilan ako. Parang automatic kung mag-react ang puso ko. Bigla kasi akong na-tense, e. Bakit naman sa kwarto niya pa? So, magtatabi ka—

"At dito naman ako sa sala..." My thoughts were shortly cut off as he completed his words. Kahit na hindi niya narinig ang nasa isip ko, pakiramdam ko ay napahiya ako. Todo tuloy ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan. Geez... Bakit ko nga ba naisip na magtatabi kami? Syempre, imposible 'yon. He knew it wasn't right.

Ngumiti nalang ako ng pilit at pilit na inaalis ang ideyang nabuo sa isip ko. "A-Ayos lang ba sa'yo?" I asked hesitantly.

"Oo naman..."

"Sure? 'Di ba masama ang pakiramdam mo?" Tumingin ako sa sofa para i-check iyon. Parang nakaka-guilty naman na dun siya matutulog gayong may migraine siya. "Wayne, ayos lang naman na dyan nalang ako. Baka kasi hindi ka magkasya—"

Mabilis niya akong pinutol. "Hindi. I'm perfectly fine here. Madalas naman na dito ako natutulog sa sala, e. Mas kumportable kasi dito kaysa sa kama dahil masyadong malaki yun para sa akin. E mag-isa lang naman ako..."

I studied his face intently for a moment and he just maintained a stoic expression.

"Are you really sure, Wayne?"

He immediately nodded his head at me. "Ayos lang talaga. Sige na, pumasok ka na." He even gestured to me to enter his room. "Just feel at home. 'Wag kang mahihiya."

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang nagsisimula nang humakbang palapit sa kanyang kwarto. Nakaka-guilty naman kasi, e. Para tuloy akong naging isang malaking abala sa kanya.

"Okay lang talaga ha?" I asked worriedly.

He chuckled. "Oo nga. Goodnight na."

"Okay." I stopped, my hand found the door handle. "Goodnight din," I murmured softly yet with a heavy heart.

"Okay," he replied with a smile.

I pushed the door open and mumbled again, "Okay..."

"Okay," his charming chuckle filled the air around us. "Tama na. Quota na tayo sa okay. Sleep well..."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon