[88.1] Truth
Chelsea's POV
"Okay lang ba na mag-commute tayo?"
Sa totoo lang, kahit na halos sampung minuto palang kami nagkakasama ni Wayne ay halata ko ng uneasy siya sa sitwasyon namin. Yung tipong conscious siya sa bawat kilos na gagawin niya kasama ko. I can't help it but I find this side of him really cute.
Ngumiti ako ng tipid para mabawasan kahit papaano yung pagiging uneasy niya. I know he's only like this because he doesn't want to disappoint me. "Oo naman. Ano bang sasakyan natin papunta sa... saan nga tayo pupunta?"
Naglalakad lang kami nun paalis ng airport. Actually, sinasabayan ko lang siya at napapansin ko ng ang likot ng tingin niya sa paligid.
"Wayne?"
Nilingon niya ako at saka siya bumuga sa hangin at ngumiti. "Ang totoo nyan, hindi ko kabisado ang lugar ng Puerto Princesa," aniya at ipinakita sa akin ang phone niya. "I'm using Google map."
Napaawang ang mga labi ko. 'Di ko alam pero parang naging uneasy na rin yung pakiramdam ko bigla. Kaya naman pala. Seryoso ba siyang aasa kami sa Google map?
"Baka maligaw tayo, Wayne."
"Hindi. Simple lang naman 'to. Inaalam ko lang kung paano tayo makakapunta sa port. May magsusundo na rin naman sa atin du'n e."
Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Seryoso, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Gabi na e.
Mukhang nabasa niya yata ang reaksyon ko kung kaya't natawa lang siya. "Ito naman, parang walang tiwala sa akin."
Hindi pa rin ako umimik o kumilos man lang. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa kanya. Ang akin lang, wala akong tiwala sa Google map...
"Tara nga. Simulan na natin ang adventure," sabi niya at saka niya hinawakan ang wrist ko. Nagpatangay nalang ako sa kanya. I guess I shouldn't feel uneasy because I'm already with him...
WE ENDED UP riding in a tricycle anyway. Sabi kasi ng iba ay 10-15 minutes lang daw ang byahe patungo sa port. Mabuti nalang at matanong si Wayne. Bawat madadaanan naming tao ay tinatanong niya kung anong pwedeng sakyan patungo sa port. Ilang tao rin ang napagtanungan namin dahil sabi nga niya ay mabuti na raw yung nakakasigurado.
Abala ako sa panunuod ng bawat madadaanan naming lugar nang marinig ko siyang nagsalita.
"Ayos ka lang, Chelsea?"
Without any second thought, I gave him a nod and so he smiled. "Oo naman. Ikaw ba?" I asked back.
"Ayos na ayos," he said and paused for a few seconds. "Parang ang hirap paniwalaan na kasama kita ngayon."
Hindi ko alam ang isasagot o irereact sa sinabi niya kaya pinili ko nalang ang ngumiti at bumalik sa panunuod ng bawat madadaanan naming lugar sakay ang tricycle na ito. Funny how I responded like he didn't have effect on me when in fact, my chest is thumping real crazy just the mere idea of me being this close to him...
Ilang saglit lang ay huminto ang tricycle. Ako ang unang bumaba dahil nakapwesto ako sa bungad. Habang abala si Wayne sa pagbabayad sa driver ay napako ang tingin ko sa magandang tanawin sa harapan ko. I made a few steps forward for me to have a better view of the scenery. For some reason, pumasok sa isip ko si Papa. Naalala ko yung nangyari kanina. Hindi ako makapaniwalang pinayagan niya akong umalis para puntahan si Wayne dito. May alam man siya o wala sa relasyon namin noon ni Wayne, hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt sa naging desisyon ko ngayon...
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...