[29] Past is Past
Chelsea's POV
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Mahal ko si Wayne? Na nagseselos ako?
"Ha-ha-ha!" Natawa nalang ako ng sarkastiko sabay iling ng mabilis. "Ano ka ba, Metch. Nasisiraan ka na ba? Hindi pwedeng mangyari 'yon."
"Eh nangyayari na nga eh."
Inismiran ko lang siya bago ko kinuha ang bag na nakapatong sa sink. "Hindi na kami bata para i-link sa kung sino-sino lalo na step-brother ko, Metch. So, please. Just keep it to yourself. Baka maging issue pa."
"Nag-date kayo noon diba? Imposibleng wala kang naramdaman kay Wayne noon. Besides the fact na gwapo siya, sobrang bait pa niya."
Lumabas na ako ng powder room at sinabayan niya naman ako sa paglalakad. "So, ano naman, Metch? Wala na 'yon."
"So, inamin mo ngang may feelings ka sa kanya dati?"
Bumuga ako sa hangin bago ako tumigil sa paglalakad. Hinarap ko siya. Hindi ako pikon na tao kaya nagtataka ako kung ba't parang naputol yata ang pisi ng pasensya ko ngayon. "Please, itigil mo na 'yang pinag-iiisip mo, okay? Wayne and I are in the same family now. Step-siblings na kami. 'Wag niyo namang pa-kumplikahin pa."
She folded her arms across her chest and then shrugged. "Kumplikado man o hindi ang sitwasyon, ikaw din ang mahihirapan. You're both holding back what's inside your heart."
Iniiwasan ko talaga ang mga ganitong bagay. Ayoko kasing magka-conflict sa pamilya namin dahil lang sa akin pati na rin kay Wayne. Whatever happened between us should stay in the past. In fact, we have never been together, so why take a big deal out of it?
I breathed out heavily. Bumibigat lang lalo ang nasa dibdib ko. "Metch, you don't know what you're talking about," I said uprightly.
"Sige, keep it up. Siguro nga, marami pa akong hindi alam sa bestfriend ko," she smiled scornfully at me and I felt bad about it.
"Metch, hindi naman sa ganun."
"Don't feel upset. Okay lang." Ngumiti ulit siya at alam kong hindi yun sincere. I knew her well. "Hindi na ako magsasalita tungkol sa inyong dalawa ni Wayne. Basta ba ganun ka rin sa amin ni Wayne."
Matagal kaming nagkatitigan ni Metch. We've never talked this way before. Nagkakatampuhan man kami pero hindi katulad ng ganito.
"Metch, I'm sorry."
"Ang tagal niyo naman. Akala ko, nalunod na kayo sa inidoro e." Bigla nalang sumulpot si Wayne sa kaliwa namin. Metch stepped beside him and I don't think it's a good sight to see. Ang dalawang kaibigan ko, nag-gagamitan? Tsk.
"Tara na?"
Getting into an open relationship isn't a good idea. I've been there before. Wala namang nangyari. In the end, na-realize lang naming nag-gagamitan lang kami. Yun naman siguro ang sitwasyon ng dalawang kaibigan ko ngayon diba? Kapag nag-work, then be together. Kapag hindi, let go of each other. Ganun na ba talaga ngayon ang mga relationship?
"Mayamaya lang, darating na din si Gibson," paalala sa akin ni Wayne. Nasa isang Pizza Parlor kami ngayon. Tumango lang ako sa kanya. Wala ako sa mood makipag-usap. "Dun lang kami pupwesto ha?"
Pumwesto silang dalawa ni Metch two tables away from mine. I can't help myself but to stare at them through the mirror. I should admit that they look good together. Click ang mga personalities nila, kumbaga. Pero ewan ko, may mali pa rin kasi talaga.
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...