[73] Once and for All

64.1K 2.2K 359
                                    

[73] Once and for All

Metch's POV

Tuesday na nang pumasok ako. Nagsuot nalang ako ng org shirt dahil magpapapirma lang naman ako ng clearance form. Nang magawa ko na ang dapat kong gawin ay lumabas na agad ako sa building. Gusto ko nang umuwi. Parang hindi pa ako nakakabawi sa energy na ni-release ko noong nagpunta kami sa Sitio Maligaya, pero okay lang. Hindi naman ako nagsisi sa weekend getaway na yun dahil sobrang nag-enjoy ako.

"Metch..."

Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin pero agad ding yumuko at nagbuntong hininga nang makita ang pagmumukha ni Uno. Nilagpasan ko kaagad siya at naglakad palayo.

"Metch, galit ka pa rin ba sa akin?" tanong niya habang sinasabayan ako ng lakad. "Ano bang dapat kong gawin para magkaayos na tayo?"

Hindi ako sumagot. Ang sakit ng ulo ko kaya wala ako sa mood makipagtarayan sa kanya.

"Metch—" Humarang siya sa harapan ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "— did you block me on your phone? I couldn't seem to contact you." He asked worriedly.

"Uno, please lang. I am not feeling well today. So, leave me alone."

"Then, I'll make you feel better."

I stopped and glared at him. Hindi yata madadaan sa pakiusapan ang lalaking may sapak sa utak na 'to.

"Once and for all, Unico Madrigal... Nagbubulag-bulagan ka ba o sadyang nagtatanga-tangahan? Malinaw naman siguro sa'yo e. Ayoko ng magkaroon ng ugnayan sa'yo. Kaya pakiusap, lubayan mo na ako."

"Metch, 'wag namang ganyan—"

"Hindi mo ba talaga ma-gets?" I rolled my eyes and walked past him. Parang aso namang sinusundan niya ako sa paglabas ng campus.

"Metch, you can't stop me because I am serious about you."

Napairap nalang ako sa kawalan. Tigas talaga ng ulo.

"Metch... Metch..."

"Ano ba!" Hinarap ko siya. Naririndi na ako sa kaka-Metch niya, please lang. Huhu. Ilayo niyo siya sa akin. "Look, I am sorry pero—"

"Mitch! Bae!"

Bumuga ako sa hangin nang marinig na naman ang nakaririnding matining na boses na iyon. Maging si Uno ay napamura rin at hindi nagawang lumingon. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin.

"Perfect! I was about to enter your campus pa naman to fetch you guys and then, I saw you here. So..." sabi ni Roxanne nang makalapit na. She was wearing a black low cut top revealing the slit of her boobies and a pair of tight jeans and wedge for her footwear. "Hello there!"

Ngumiti ako pilit at tumango kay Roxanne. "Buti naman dumating ka, Roxanne."

"Bakit? Did you miss me? Aww, I am going to miss you too. Mamaya na ang uwi ko sa Davao. Wait... I love your skin. Medyo naging tan."

"Thank you," awkward akong tumawa. "Ingat nalang sa byahe. Anyway, I need to go—"

"Hey, wait!" Kumapit siya sa braso ko at sa braso rin ni Uno. "Before I leave, gusto ko sanang maka-bonding kayo. 'Di ba, nasabi ko na sa'yo about this the last time we met, Metch. So, G?"

Uno breathed out annoyingly as though holding his temper. Ako naman ay magpapalusot na sana pero...

"Alright! Silence means yes, so let's go!"

DINALA niya kami sa pinakamalapit na Karaoke sa QC. Particularly sa Music 21. Namili siya ng pinakamahal na karaoke room at nag-order din ng maraming pagkain para sa aming tatlo. Simula nga nang dumating kami ay panay siya lang ang kumakanta samantalang kami ni Uno ay halatang napilitan lang sa pagsama sa kanya.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon