"Excuses change nothing, but make everyone feel better." ~ Mason Cooley
***4***
CHELSEA'S POV
Nagpaalam na agad ako kay Metch at iniwan na siya roon sa coffeeshop. Nakakahiya nga e, kasi nilibre pa naman niya ako ng kape tapos iniwanan ko rin naman siya agad. Buti nalang mabait siya kaya naintindihan niya. Alam kong nagegets na niya yung pinagdadaanan ko ngayon kaya niya triny yung pag-open up sa akin tungkol kay Mama na nakita raw niya na nagsusukat ng wedding gown.
Pagkarating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa loob. Nakasalubong ko pa yung isa naming kasambahay na naglilinis. Tinanong ko kung nasaan sina Mama, tapos tinuro niya yung direksyon ng dining room. Pagpunta ko dun, naabutan ko na nag-aalmusal sina Mama at Rance kasama si Tito Anton. Kusang nalukot tuloy yung mukha ko nang makitang nagtatawanan ang engaged couple. Kagabi lang, nandito si Tito Anton. Nandito na naman siya ngayon early in the morning? Wow.
"Chelsea, nandito ka na pala, anak."
Napakurap ako ng mga mata nang mapansin ako ni Mama. Tumayo siya saka ako nilapitan. Hinawakan niya ako sa kamay at dinala sa pwesto ni Rance saka niya ako pinaghila ng upuan kaya umupo na rin ako.
"Kumain ka, Chelsea. Nagdala ako ng donuts," sabi ni Tito Anton tapos inilapit niya sa akin yung plato ng donuts. Not just ordinary donuts, it's from J.Co. Paborito ko pa naman 'to. Grr.
"Busog pa po ako. Kakakain ko lang kasama ni Metch," sagot ko sabay tingin kay Mama, "Ma."
"Uh, ganun ba? But at least, eat one. Paborito mo 'to diba?"
Tumingin ako kay Tito Anton. Nakangiti siya sa akin, hopeful smile. "Nasabi sa akin ng Mama mo na paborito mo yan kaya bumili ako. Kainin mo nalang mamayang hapon. Ilagay mo muna sa fridge."
Napalunok tuloy ako. Gusto ko na talagang kainin yung donut pero nilalabanan ko lang ang sarili ko. Bahala na. Bibili nalang ako mamaya. Hindi ko kakainin yan lalo na na galing kay Tito Anton. That's bribery. Hmp.
"Kainin niyo nalang yan sa byahe," nakangiting sabi ni Mama kaya napatingin ako sa kanya.
"Byahe? Saan po tayo pupunta?"
Nagkatinginan sila ni Tito Anton tapos ay binalingan ulit ako. "Sa Batangas. Dun natin mamimeet ang mga anak ni Tito Anton niyo. Isn't that exciting?"
I mentally rolled my eyes at what my Mom said. Seryoso? what's so exciting about meeting your soon to be step-father's family? Jusko.
"May tatlong anak si Tito Anton niyo. Puro mga lalaki. Magkakaroon na kayo ng kuya," naeexcite na sabi ni Mama tapos tumingin siya kay Rance. "Kasing edad lang ni Rance yung bunso mo diba, Anton?"
"Oo, isang 5 years old, 16 at 22. Sigurado akong magkakasundo kayo."
Napadampot tuloy ako sa baso ng tubig na nasa harapan ni Rance. Natutuyuan ako ng lalamunan sa mga pinagsasasabi nila. Don't tell me kapag kinasal silang dalawa, titira din yung tatlong anak ni Tito Anton kasama namin sa iisang bahay? Noooo waaaay!
"Magkakaroon ka na ng kuya, Chelsea. Diba gusto mo yun?"
Hindi nalang ako kumibo. Oo, pangarap kong magkaroon ng kuya pero not definitely this way. Just not this way.
"Be ready. Aalis tayo ng 10AM," sabi ni Mama at tumayo na. Ano ba yan. Ayokong sumama.
"Ma," tawag ko sa kanya kaya nilingon niya ako. "May piano class po si Rance ngayon. Diba Rance?"
"Hmm," sabay tango ni Rance.
"One absent isn't bad," sagot ni Mama sabay tingin kay Tito Anton. "Nasabi na rin naman namin sa instructor niya na 'di siya makakapasok ngayon kaya ayos lang."
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
Любовные романыX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...