[77] 30 Seconds

56.9K 2.3K 858
                                    


[77] 30 Seconds

Chelsea's POV

Hindi ako nakatulog buong magdamag. I was up crying for the entire night until the next day. Puno ng hinanakit ang puso ko. Kung magkapatid kami ni Wayne ay malinaw na hindi kami pwedeng mangyari. I have to stop this before it's too late. Habang mababaw pa ay kailangan ko na itong putulin.

Pero sino nga ba ang niloloko ko? My emotions for Wayne are getting deeper since day one. I love him. Why do we need to be in this situation?

Tanghali na ako lumabas ng bahay. Hindi ako kumain ng almusal dahil wala akong gana. Namamaga pa ang mga mata ko sa kakaiyak kaya isinuot ko ang eyeglasses ko. Mabilis akong bumaba sa hagdanan at natigilan nang makasalubong ko si Mama.

"Chelsea, about last night. Please—"

Agad ko siyang pinutol. "Don't worry, Ma. Wala naman po akong magagawa. We have to stop," malamig kong sabi at nilagpasan na siya ngunit nagsalita siyang muli.

"Chelsea, pakiusap. 'Wag mo munang sabihin ang tungkol dito kay Wayne. I hope you'd understand. Kumplikado pa ang sitwasyon."

Natigilan ako saglit at napabuntong hininga nalang sa sarili bago tuluyang lumabas. Sumakay ako sa kotse na walang destinasyon sa isip.

"Ma'am, saan po tayo?" sabi ng driver.

Hindi ako sumagot. Sinenyasan ko lang siya na umalis na. I want to get away from this house. Pakiramdam ko na 'pag nanatili pa ako sa bahay na ito ay mapupuno lang ng sama ng loob ang dibdib ko.

Naaawa ako kay Mama pero pinasama niya rin ang loob ko. Alam kong hindi niya ginusto ang nangyari pero hindi ko rin naman ginusto na mapunta sa sitwasyong ito. Ngayon pa na nagkakaroon na ako ng lakas ng loob para umamin sa kanila tungkol sa relasyon namin ni Wayne?

Tumunog ang phone ko. Nagtext si Wayne.

From: Wayne

I'll be home later. Kukunin ko lang ang photos natin sa studio. How's my gf? :)

Lumunok ako at isinawalang bahala ang text na 'yon. Bakit ba kasi sa lahat ng tao sa mundo ay kami pa ang naging magkadugo?

I'm sorry, Wayne... Fate seems to be not in our favor of the idea of us.

Biglang sumiksik si Papa sa isip ko. Dali dali kong hinanap ang message thread naming dalawa. Mabibigat ang hininga kong nagtipa ng message para sa kanya.

To: Papa

Pa, pumapayag na po akong sumama sa'yo.

Pagkasend ay bumaling ako sa driver na hanggang ngayon ay wala pa ring direksyon na tinatahak.

"Kuya, sa park niyo po ako ihatid..."

Gaya ng sinabi ko ay hinatid ako ng driver sa Luneta park. Binuhos ko ang bawat oras ko sa kakalakad paikot dun nang mag-isa. I want to be alone to think about things.

Tama ba ang desisyon kong iwanan sila?

Nakaupo ako sa bench at nakatulala lang sa mga taong dumadaan sa harapan ko. Wala namang ibang paraan e. This is for everyone's sake. I need to be away. Mas lalong masakit kung mananatili pa ako sa poder ni Mama. Tama na nga rin siguro ito dahil magiging mahirap sa akin para tanggapin na kapatid ko ang pinili kong mahalin. It's for the best.

Parang kinukurot ang puso ko nang maalala na naman ang nangyari kagabi. Yumuko ako at pinilig ang ulo ko. That memory started to haunt me down even in my sleep since last night.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon